ISANG mataas na opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang nakipag-ugnayan agad sa inyong lingkod kaugnay ng kumakalat na impormasyon na ‘on the way out’ na umano si Madam Chair Andrea “Didi” Domingo.
Ayon sa nasabing Pagcor official, wala umanong katotohanan ang nasabing impormasyon na ‘sisipain’ si Madam Chair Didi.
Hindi rin daw papasok sa isang kompromiso si Madam Didi dahil ilohikal umano ang pagbibigay ng lisensiya sa 75-taon transaksiyon sa isang bagong casino o online gaming dahil hanggang 2030 lang ang corporate life nito alinsunod sa Presidential Decree 1067-A.
Kung mayroon umano tayong naririnig na impormasyon kaugnay nito, mas posible umano sa isang economic zone sa bansa ang nagbigay ng lisensiya at hindi sa Pagcor casino.
Ngayon, klaro na po na hindi patatalsikin si Madam Didi sa Pagcor dahil walang dahilan para mangyari iyon.
For the meantime, tuloy ang pagniningning at pagti-twinkle, twinkle ni Madam Didi sa Pagcor.
Keep up the good work, Madam!
‘JUETENG’
SA SOUTH METRO
NI JUNJUN BALERYO
LARGADO NA!
ANO ba itong naririnig natin na may ‘go signal’ na ang operasyon ng jueteng ni alias Junjun Baleryo, sa south Metro Manila?!
Kaladkad ng bagong bangka ng jueteng sa South Metro ang pangalan ng NCRPO at isang sikat na bagman sa kampo crame na si alias Sedenyo.
“Go na go” na raw nga ang ‘jueteng’ sa south Metro kaya happy days are here again na naman?!
Ganoon ba ‘yun?!
Isa kasi ang southern Metro Manila sa malakas ang kobransa ng jueteng na umaabot umano sa P500,000 o kalahating milyon pataas isang araw.
Kaya tiba-tiba na naman ang mga bagman ng bawat estasyon ng pulisya na malalatagan ng jueteng.
Sonabagan!!!
NCRPO chief Gen. Camilo Cascolan at SPD district director Gen. Tom Apolinario, game na ba talaga ang jueteng sa south Metro!?
Yahoo!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap