Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita sex slave ng dyowa ng tiyahin

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang lala­king tatlong taon uma­nong hinalay ang pa­mang­kin ng kaniyang kinakasama sa Meycauayan, Bulacan.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, 11-anyos pa lamang ang biktima nang simu­lang abusuhin ng suspek.

Napag-alaman, nitong Martes ay nagtang­ka pang tumakas ang suspek na si Elmer Capil­lo nang arestohin ng mga awtoridad.

Ayon sa biktima, nag­simula ang pang-aabuso sa kaniya ni Capillo noong 11-anyos pa lang siya, tuwing wala ang kaniyang tiyahin na kinakasama ng suspek.

“Halos isang linggo, araw-araw siyang gina­galaw ng kinakasa­ma ng tita niya hanggang 14-years-old po siya,” sabi ni PO2 Gladys Nery, ng Women and Children’s Desk ng Meycauayan Police.

Hindi umano maka­pag­sumbong ang biktima dahil sa pananakot ng sus­pek na papatayin siya.

Inamin ni Capillo ang krimen at humihingi ng tawad sa biktima.

“Nadala lang sa tuk­so sir, kaya humihingi pa ako ng tawad sa kaniya,” aniya.

Bukod kay Capillo, dalawang lalaki pa ang inaresto sa magkahiwalay pang reklamo ng tang­kang pang-aabuso sa Meycauayan.

Kabilang dito ang isang 53-anyos ama na tinangka raw abusuhin ang kaniyang 31-anyos anak.

Habang bugbog ang inabot ni Ronnie Gabo­nado na tinangka uma­nong pasukin ang kani­yang kapitbahay at pinilit na makipagtalik.

“Dahil sa alak kaya ko nagawa ko, dahil sa sobrang kalasingan,” paliwanag ni Gabonado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …