Sunday , April 6 2025
road traffic accident

School principal, 1 pa patay sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Camarines Sur)

LIBMANAN, Cama­rines Sur – Dalawa ang patay habang 11 ang sugatan nang magka­rambola ang apat sasak­yan sa bayang ito, nitong madaling-araw ng Martes.

Sa imbestigasyon ng pulis, nag-overtake ang isang Toyota Avanza na papuntang Naga sa Ford Everest ngunit nakasa­lubong nito ang Tripolds Bus papuntang Maynila.

Isang truck ang na­damay sa karambola ngunit walang nasaktan sa mga sakay nito.

Pagkabig ng bus pakanan, tiyempong padating ang Philtranco at naipit ng dalawang bus ang Ford.

Limang sakay ng Ford ang isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival si Leoncia Mangarin, 58, principal ng pampublikong elemen­tarya sa Libmanan.

Dadalo si Mangarin sa meeting para sa paghahanda ng Brigada Eskwela sa susunod na Linggo.

Isinugod sa ospital ang mag-asawang sakay ng Avanza. Isang Swiss national ang sugatan, habang taga-bayan ng Pili, Camarines Sur ang asawa niyang si Ronel Peña.

Binawian ng buhay si Peña sa ospital. Ligtas ang siyam-buwan gulang na sanggol ng mag-asa­wa.

Apat pang pasahero ng Philtranco bus ang nakalabas na sa paga­mu­tan.

Patuloy na pinagha­hanap ng mga awtoridad ang driver ng Tripolds bus.

About hataw tabloid

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *