Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nick Vera Perez

Nick Vera Perez, lilibutin ang ‘Pinas para sa promo ng album

NASA bansa ngayon ang  mahusay na singer/Nurse na si Nick Vera Perez para sa promotion ng kanyang album, I am Ready mula sa Warner Music Philippines at para na rin gunitain ang kamatayan ng kanyang ama at para ipagdiwang ang Mother’s Day.

Sa bonggang Grand Homecoming nito na ginanap sa Rembrant Hotel kamakailan, naikuwento nito ang katuparan ng kanyang wish na makita at makausap ang yumaong ama sa panaginip at naganap ito last May 13 sa mismong kamatayan ng kanyang pinakamamahal na ama.

Kuwento pa ng mabait at generous singer, “May 13, that’s very mabigat na day para sa akin. That was the time my father passed away. So all I wanted was to see him again, kahit man lang sa panaginip.

“After seven years, nagpakita siya sa akin. So instead of crying, I was smiling. At least na-fulfill ba? It made my day complete. So, parang ang ganda ng Mother’s Day ko, nakita ko si papa.”

Pero sa panaginip niyang ‘yun ay humihingi siya ng sorry sa papa niya. Kasi noong nabubuhay pa ito ay may nagawa rin siyang kasalanan o pagkakamali.

At sa bawat problema na kinahaharap nito ay ang kanyang kuwarto ang kanyang nagiging lugar para lumuha. “I go inside my room and then I cry.

“Kasi ako ‘yung tipong, I don’t wanna people to see me cry. I just want them to see me laugh and smile.

“Minsan lang sa life namin, hindi ko maiiwasan, namumula ‘yung mata ko. I think all artist ‘di ba, mga emotional?”

At para nga sa promotion ng kanyang I Am Ready album na  may 12 tracks including Alapaap, ‘Di Maglalaho, ‘Di Ko Na Kaya, Another Chance, Hintayin Ko Na Lang, Three Best Words, I Believe In You, Dito Sa Aking Puso, My Mom, You’re My Hero, Keep The Fire Burning Within, at I Am Ready, lilibutin nito ang ilang mall sa bansa maging TV shows at radio programs.

Kasabay din ng Grand Homecoming ni Nick ang 3rd Annual NVP1 Smile World Grand Homecoming at koronasyon ng First Ms NVP1 World 2018 na si Ms Gie Amancio ng Hongkong at kinoronahan din ang NVP 1 Smile World Grand Homecoming queen 2017-18-19-20 Ms. Dei Diaz.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …