Friday , November 15 2024

DOT Sec. Berna Romulo-Puyat bagong pag-asa sa pagbabago

NAPAIYAK daw si Sec. Berna Romulo-Puyat nang matuklasan ang grabeng katiwalian na kanyang dinatnan sa Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Puyat, mula nang maitalaga siya sa puwesto, araw-araw na lang ay may maanomalyang proyekto siyang nadidiskubre sa ilalim ng sinundang administrasyon sa DOT.

Ani Puyat, “It’s so shocking because I’m discovering something new every day. And it’s saddening because large sums of money are involved here. Not just P1 million or P2 million, but hundreds of millions.”

Agad ipinag-utos ni Puyat ang pagsuspende sa lahat ng maanomalyang proyekto at kontrata na pinasok ng DOT sa ilalim ng liderato ni Wanda Teo.

Ang nakabibilib kay Puyat ay siya pa mismo ang humiling sa Commission on Audit (COA) na busisiin ang lahat ng sinuspendeng proyekto sa DOT.

Kasama sa mga ipinakakalkal ni Puyat sa COA ang sarap-buhay na “Buhay Carinderia” ng Tourism and Promotions Board (TPB) na pinamunuan ni Cesar “Buboy” Montano, ang pinakahuling opisyal ng DOT na sinibak, ‘este, nagbitiw sa puwesto.

Sino ang mag-aakala na sa bunton ng mga tiwaling opisyal na naitalaga sa puwesto ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte at mga sinundang administrasyon ay may mga tulad pa pala ni Puyat na mapagkakatiwalaan?

Sa ngayon, si Sec. Puyat pa lang ang nakikita nating matino bilang mabuting ehemplo na dapat pamarisan ng mga naitalagang opisyal sa kasalukuyang administrasyon.

Sana ay dumami pa ang tulad ni Puyat na ipapalit sa mga sinibak ni Pres. Digong dahil sa katiwalian.

TRUE-TO-LIFE STORY
NI “BUBOY” SA TPB
PUWEDENG PELIKULA

SINIBAK na, ‘este, nag-resign na si idol Buboy sa kanyang puwesto matapos mabisto ang P80-M budget na winaldas sa Buhay Carinderia, isang TPB-DOT project na walang kabuluhan.

Kung nagkataon, nabulgar na aabot pa pala ang sasanduking pondo sa halagang P320-M na nasilip ng COA.

Sayang naman at madaling nagwakas ang karera ng ating bidang si Buboy sa politika.

Kumbaga sa pelikula, pangit at hindi naging maganda ang ending o pagtatapos ng “true-to-life” story ni idol Buboy sa ginampanang papel bilang TPB COO ng DOT.

Hindi ko lang matantiya kung sa action-drama ba puwedeng ihanay ang kategorya ng tunay na anomalyang nagsangkot sa ating bida o musical.

May mga ikinanta rin kasi si Buboy, isa na ang kanyang dating boss at natsuging kalihim ng DOT na si Wanda Teo na itinuro niyang nasa likod ng P320-M anomalous project.

Aba’y, pelikulang-pelikula pala ang mga eksena sa TPB dahil kompleto sa casting ng stuntmen na gumanap bilang mga sulsol-tant, ‘este, consultant na kasama sa payroll.

Naging idol ko kasi si Buboy sa pagganap bilang hoodlum sa pelikulang “Waway” at ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal.

‘Di hamak palang mas mabuting tao si Alyas Waway kung ihahambing sa tunay na karakter ng gumanap sa kanya.

Sa naisapelikulang buhay ni Waway, paisa-isa lang siya kung bumiktima at ‘di tulad sa TPB na maramihang paglipol sa pondo ng mama­mayan.

Kung buhay lang marahil si Gat Jose Rizal, tiyak na hindi niya nanaisin na ang pagsasapelikula ng kanyang kasaysayan ay gagampanan ng sinomang papatay sa simulain na kanyang ipinakipaglaban.

Pero malamang kaysa hindi na pumatok sa takilya at maging blockbuster pa ang TPB scandal the movie ng COA Productions kung ang location shooting ay sa Office of the Ombudsman gaganapin.

Tamang-tama naman, solong-solo na naman ni Erlinda Legaspi ng kompanyang Marylindbert International ang deal para sa catering ng street foods na kalimitang nagkakalat ng malalang sakit na hepa.

Idol Buboy, ‘wag mo naman kalimutan ang balato namin nina Pareng Yoti, Pareng Jun Cools at Pareng Jun Castro sa P80-M jackpot ng “Sarap Buhay Carinderia.”

Sabi nga, “spread the sunshine.” Hehehe!

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *