Monday , April 7 2025

2 OFWs patay sa sunog sa Saudi Arabia

NAMATAY ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia nang masunog ang kanilang tinutuluyan, ayon sa opisyal ng Philippine Consulate General sa Jeddah.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos, naganap ang sunog dakong 10:00 pm sa Najran province, isang probinsiya sa Western Region ng Saudi Arabia.

Sinabi ni Badajos, nagpadala na sila ng team sa lugar ng insidente para makakuha ng detalye at maasikaso ang labi ng dalawang OFWs.

Base sa inisyal na impormasyon na natang­gap ng konsulado mula sa kompanya ng mga namatay na OFW, sinabi ni Badajos na posibleng electrical con­nection ang dahilan ng sunog.

Hindi muna pina­ngalanan ni Badajos ang dalawang OFW na nama­tay habang hindi pa na-k­okontak ang kanilang mga pamilya.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Henerasyon Partylist Bernadette Herrera

Bagong Henerasyon Partylist ‘pasok’ sa “winning circle”

LUBOS na ikinagalak ng Bagong Henerasyon (BH) Partylist, sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader …

040725 Hataw Frontpage

‘Fiona’, ‘Magellan’ tumanggap ng CF mula kay VP Sara

HATAW News Team NADAGDAGAN ang listahan ng mga tumanggap mula sa confidential funds (CFs) ng …

TRABAHO partylist Melai Cantiveros-Francisco

TRABAHO buong-pusong bumabati kay Melai sa kanyang kaarawan

NGAYONG 6 Abril, binati ng TRABAHO partylist si Melai Cantiveros-Francisco na siyang tumatayong kampeon ng …

Sarah Discaya

Dahil sa ‘di angkop na biro,
Atty. Sia sinuspinde ng ka-partido; Kandidatura nanganganib ma-DQ sa Comelec 

LUNGSOD NG PASIG — Ipinamalas ni mayoral candidate Ate Sarah Discaya ang kanyang pamumuno sa …

Carlo Aguilar, isusulong edukasyon at kapakanan ng mga guro sa Las Piñas

Carlo Aguilar, isusulong edukasyon at kapakanan ng mga guro sa Las Piñas 

LAS PIÑAS – Nangako si mayoral candidate Carlo Aguilar na ipatutupad niya ang matapang at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *