Monday , December 23 2024

Kumbaga sa Chess… Pres. Digong maingay na ‘player’ sa isyu ng West Philippine Sea

NAALALA natin ang namayapang Nestor Mata kapag naglalaro ng chess. Maingay siya kapag nagsusulong ng piyesa. Bukod sa lalakasan ang boses, malakas at padiin niyang ibabagsak ang piyesa. Psy war niya siguro iyon para ma-distract ang konsentrasyon ng kanyang kalaro.

Parang ganito ang nakikita natin kay Pangulong Digong sa kanyang trato sa isyu ng West Philippine Sea (South China Sea).

Masyado siyang maingay.

Hindi lang tayo sigurado kung psy war din ba iyon laban sa China?!

O laban sa mga bansang nag-iinteres na isabong tayo sa China.

Paulit-ulit din niyang sinasabi, hindi kayang kumasa ng Filipinas kapag naglunsad ng giyera ang dalawang bansa.

“Ako nga hindi ko kayang bumili ng armalite, meron ako pero bigay lang…”

‘Yan ang isa sa mga linya ng Pangulo kapag pinag-uusapan ang West Philippine Sea.

Pero may napupuna lang tayo. Bakit ba si Pangulong Digong ang pirming nagsasalita sa isyu ng West Philippine Sea?!

Hindi ba’t tungkulin ng Department of Foreign Affairs ‘yan?!

Kung mayroon talagang krisis na dapat resolbahin, hindi ba dapat na DFA ang mag-spearhead diyan?!

DFA dapat ang nagsasalita at hindi si Tatay Digong.

Sa isang banda, mukhang wala namang nararamdamang panganib ang Pangulo dahil unang-una, hindi bahagi ng Filipinas ang nilapagan ng Chinese bombers at ng H-6K.

Mas malapit umano ito sa bahagi na inaangkin ng Vietnam.

Mukhang Estados Unidos lang naman ang naaalarma rito at nagdedeklara na dapat uma­nong magdagdag ng armas ang mga bansang sangkot sa pag-aangkin ng West Philippine Sea.

Sa isang banda, baka ‘yun nga ang totoo? Nagtutulak ng alarma ang Estados Unidos para muli na namang ‘makapaglako’ ng mga armas pandigma na ‘negosyo’ ng malalaking patron sa kanilang bansa?!

‘Yan ang mas malapit sa katotohanan.

Pansamantala, dapat nang pabayaan ni Pa­ngulong Digong ang isyung ito sa DFA.

Hayaan niyang magtrabaho ang mga pina­susuweldo ng gobyerno.

At sa ganang atin, sa panahon ngayon na nakikipag­kaibigan sa atin ang China, ito rin ang tamang panahon para resolbahin ang isyu ng West Philippine Sea sa diplomatikong pama­maraan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *