Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kumbaga sa Chess… Pres. Digong maingay na ‘player’ sa isyu ng West Philippine Sea

NAALALA natin ang namayapang Nestor Mata kapag naglalaro ng chess. Maingay siya kapag nagsusulong ng piyesa. Bukod sa lalakasan ang boses, malakas at padiin niyang ibabagsak ang piyesa. Psy war niya siguro iyon para ma-distract ang konsentrasyon ng kanyang kalaro.

Parang ganito ang nakikita natin kay Pangulong Digong sa kanyang trato sa isyu ng West Philippine Sea (South China Sea).

Masyado siyang maingay.

Hindi lang tayo sigurado kung psy war din ba iyon laban sa China?!

O laban sa mga bansang nag-iinteres na isabong tayo sa China.

Paulit-ulit din niyang sinasabi, hindi kayang kumasa ng Filipinas kapag naglunsad ng giyera ang dalawang bansa.

“Ako nga hindi ko kayang bumili ng armalite, meron ako pero bigay lang…”

‘Yan ang isa sa mga linya ng Pangulo kapag pinag-uusapan ang West Philippine Sea.

Pero may napupuna lang tayo. Bakit ba si Pangulong Digong ang pirming nagsasalita sa isyu ng West Philippine Sea?!

Hindi ba’t tungkulin ng Department of Foreign Affairs ‘yan?!

Kung mayroon talagang krisis na dapat resolbahin, hindi ba dapat na DFA ang mag-spearhead diyan?!

DFA dapat ang nagsasalita at hindi si Tatay Digong.

Sa isang banda, mukhang wala namang nararamdamang panganib ang Pangulo dahil unang-una, hindi bahagi ng Filipinas ang nilapagan ng Chinese bombers at ng H-6K.

Mas malapit umano ito sa bahagi na inaangkin ng Vietnam.

Mukhang Estados Unidos lang naman ang naaalarma rito at nagdedeklara na dapat uma­nong magdagdag ng armas ang mga bansang sangkot sa pag-aangkin ng West Philippine Sea.

Sa isang banda, baka ‘yun nga ang totoo? Nagtutulak ng alarma ang Estados Unidos para muli na namang ‘makapaglako’ ng mga armas pandigma na ‘negosyo’ ng malalaking patron sa kanilang bansa?!

‘Yan ang mas malapit sa katotohanan.

Pansamantala, dapat nang pabayaan ni Pa­ngulong Digong ang isyung ito sa DFA.

Hayaan niyang magtrabaho ang mga pina­susuweldo ng gobyerno.

At sa ganang atin, sa panahon ngayon na nakikipag­kaibigan sa atin ang China, ito rin ang tamang panahon para resolbahin ang isyu ng West Philippine Sea sa diplomatikong pama­maraan.

RIDING IN TANDEM
NAGKALAT SA AOR
NG MPD PS4!
(ATTN: NCRPO RD
CAMILO CASCOLAN)

Nag-VIRAL sa social media kamakailan ang pambibiktima ng notoryus na mga tirador na lulan ng motorsiklo na nagpaikot-ikot sa paligid ng isang malaking unibersidad sa Dapitan St., Sampaloc, Maynila na nasasakupan ng MPD Station 4.

Kitang-kita sa CCTV ang ginawang pam­bibiktima ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo nang hablutin ang gamit isang tila estudyanteng biktima na nag-aabang ng masa­sakyan sa naturang lugar.

Ang matindi pa ay nahagip rin sa CCTV na hindi lamang isang riding-in-tandem ang tirador kundi pati ang back-up nitong dalawang suspek sa pangalawang motor.

Lumalabas na hindi lamang isang riding-in-tandem ngayon ang bumibira sa AOR ng SAMPALOC POLICE STATION 4 kundi marami pa?!

Wattafak!?

Bakit kaya ang lalakas ng loob ng mga riding-in-tandem na magwalanghiya sa AOR ng MPD PS-4!?

Ano ba ang ginagawa ng mga matutulis ‘este mga pulis ni MPD Station 4 commander Supt. Olivar na tila natutulog lang sa pansitan na pinaiikutan ng mga riding-in-tandem sa kanilang teritoryo!?

MPD district director C/Supt. Jigs Coronel sir, Kailan pa po ba napuwesto sa MPD PS4 si Supt. Aquino Olivar?

Baka kasi wala nang challenge sa kanila ang AOR ng Sampaloc kaya’t tila tulog na mantika na sila sa kanilang tanggahan ‘este tanggapan, sir?

Mukhang ang bagman lang ng ‘kuwatro’ ang masaya riyan mga bossing!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *