ILOCOS NORTE – Nalagutan ng hininga ang isang 15-anyos dalagita nang maatrasan ng payloader sa Brgy. Lanao, sa bayan ng Bangui, ayon sa naantalang ulat ng pulisya kahapon.
Batay sa imbestigasyon, nakaangkas noong Biyernes ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kaniyang 17-anyos kuya nang umatras ang payloader.
“Nagmo-move backward ang payloader at sinubukang iwasan ito ng motor na nasa likod pero it’s too late,” ani Chief Insp. Samson Amistad.
Nakababa ng motorsiklo ang kuya ngunit hindi nahila ang kapatid.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.
Samantala, humingi ng tawad ang nagmamaneho ng payloader.
Kung hindi maareglo, posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng payloader.