Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P3.5-M shabu nasabat sa Cebu

CEBU CITY– Umaabot sa P3.5 milyon halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasabat sa iki­nasang buy-bust ope­ration sa Brgy. La­bangon sa lungsod na ito, nitong Sabado ng gabi.

Nakompiska sa ope­rasyon ang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na 300 grams ang timbang, ayon kay Supt. Glenn Mayam ng Philip­pine National Police Drug Enforcement Group.

Habang nakatakas ang target ng operasyon na kinilalang si Aljun Chavez, umano’y mi­yembro ng isang mala­king sindikato sa Central Visayas.

Samantala, sa lung­sod ng Mandaue, nasabat sa isang checkpoint nitong Sabado ng gabi ang mga tuyong dahon ng mai­juana at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Arestado sa ope­ra­syon ang 11 suspek na nagmula sa lungsod ng Cebu at Talisay.

Ayon kay Chief Insp. Aldrin Villacampa, da­dal­hin sa Leyte ang mga nasabat na droga.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …