Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Will Ashley, hinahanap-hanap ang manager

NATAKOT ang Kapuso network teen actor, Will Ashley nang mamatay ang kanyang manager na si Direk Maryo Delos Reyes dahil inisip nito na baka mawalan na siya ng projects.

“Opo , naisip ko rin ‘yun, na parang paano na ako, siguro hindi lang ako ang nakaisip niyon kung hindi lahat kaming hawak ni Direk Maryo.

“Sabi ko nga ‘mommy paano na ako, wala na si Direk Maryo, baka mawalan na rin ako ng project.’

“Pero naisip ko na nandyan naman ang GMA Artist Center at ‘di nila ako pababayaan.

“Co-managed po kasi ako sa GMA Artist Center.”

Nami-miss ba niya si Direk Maryo? “Namimiss ko po ‘yung tawa niya.

“Nami-miss ko rin ang mga payo niya sa akin noong nabubuhay pa siya.

“’Yung payo niya na dapat ‘pag nag-smile ako kalahati lang, kasi kapag sobra ang smile ko nawawala ‘yung mga mata ko ha ha ha.

“Parang acting lang ‘yan, dapat hindi sobra, dapat tama lang para maganda at hindi OA. Sakto lang para natural lang.”

Nami-miss din ni Will si Kuya Germs (Moreno). “Nami-miss ko ‘yung laging pagtawag niya sa akin para makipagkuwentuhan.

“Sinasabi niya, ‘kamusta ka, masaya ka ba?’

“Tapos sinasabi niya sa akin na maging natural ako sa pag-arte at matutong makisama.

“Kailangang maging professional sa traho, dapat ‘wag suplado , dapat mabait.”

Dagdag pa nito, “Sabi ni Kuya Germs mahalin ko ang trabaho at pakisamahan ‘yung mga tao.”

Sa ngayon ay kasama si Will sa Contessa na pinagbibidahan ni Glaiza De Castro.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …