Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne at Dingdong, lumipad pa ng Japan para sa Sid & Aya

FOR the first time, pinagsama ng Viva Films ang Princess of all Media na si Anne Curtis at ang 49th Box Office Entertainment Awards Film Actor of the Year na si Dingdong Dantes sa isang pinaka-aabangang romance-drama movie, ang Sid & Aya, (Not A Love Story) na magbubukas sa mga sinehan sa May 30, mula sa panulat at direksiyon ni  Irene Emma Villamor.

Ginagampanan ni Dingdong ang role ni Sid, isang insomniac, habang si Anne ay si Aya, misteryosang babae na makikilala at uupahan niya para makaraos sa lungkot ng mga gabing ayaw siyang dalawin ng antok.

May ilang mga eksena sa Sid and Aya, Not A Love Story na kinunan pa sa Japan, kaya naman lumipad patungo sa Land of the Rising Sun sina Anne at Dingdong.

Bago ang showing ng pelikula, magkakaroon sila ng mall tour na magsisimula sa ngayong hapon, 5:00 p.m. sa SM City Dasmarinas, May 20, 4:00 p.m. sa Ayala Malls Cloverleaf, May 26, 4:00 p.m. sa Gateway Cineplex, 6:00 p.m. sa Ayala Malls Feliz, May 27, 4:00 p.m. sa SM City Bicutan, at 6:00 p.m. sa SM City Sta Rosa.

Magaganap din ang Red Carpet Premiere nito sa May 28, 7:30 p.m. sa Trinoma Cinema 7.

Mapapanood din ito sa Middle East Theater sa June 7, habang ang US Screening naman nito ay sa June 8. Mapapanood din ito sa Rome, Italy, at Hongkong.

Para sa iba pang detalye, i-like lamang ang official social media accounts ng Viva films, Facebook: VIVAFilms at sa Twitter & IG: viva_films.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …