Friday , November 15 2024

‘Lovestruck’ sa virtual love/dating maraming nagogoyo

MAHIRAP daw magpakilala sa isang tao kapag face-to-face na.
Hindi rin ganoon kadaling ibulalas ang paghanga o damdamin. Iba kasi ang kultura nating mga Pinoy.
Kaya marami ang naho-hook sa mga online friendship or dating apps. Karamihan sa mga Pinoy ang hinahanap pa mga foreigner lalo na ‘yung ‘spokening dollars.’
Ibig sabihin ‘puti’ na ang laman ng wallet ay green currency as in US dollars.
At ‘yan umano ang dahilan kung bakit maraming ‘cyberlovers’ ngayon sa social media. Kung minsan ‘yan ‘yung tinatawag na ‘long distance relationship’ as in LDR, na sa profile picture lang nagkagustuhan.
Hindi natin alam kung nagkakitaan na rin sila sa video call or video chat, malamang, siguro!
Pero, heto ang masaklap, biktima pala sila ng isang malaking ‘love’ scam.
Ang isang scheme, ‘yung magkikita na kunwari sila. Pupunta sa Filipinas ang iniisip na ‘foreigner’ para magkita na sila.
Pero biglang tatawag dahil na-hold umano sa isang airport. Hihiling na padalhan muna siya ng P30,000 o P50,000 at ibabalik pagdating sa Maynila.
Dahil inisip ng Pinay na magdyowa na sila, magpapadala naman. Only to find out na wala palang darating at lalong hindi maibabalik ang pinakawalang kuwarta.
Aruyko!
Sumakit ang bulsa, nasaktan na ang puso, nabitin pa ang puson.
Wattafak!
Pero huwag ninyong isipin na Pinoy lang ang nagogoyo rito. Naiisahan din ang mga foreigner lalo na ‘yung baliw na baliw sa mga Pinay na nakilala sa social media.
Nagkarelasyon at magpapakasal na sa Filipinas. Magpapadala ng pera si kelot para sa kasal pero pagdating sa Filipinas hanggang airport lang pala siya kasi hindi na nagpakita ang bebot.
Huwag naman kasi ninyong gawing katawa-tawa ang mga sarili ninyo.
Virtual lovers lang  kayo or cyberlovers. Puwedeng magsabihan ng kung ano-ano pero huwag ipagkakatiwala ang mga pinaghirapan ninyong konting savings o kahit marami pa ‘yang savings  na ‘yan o kahit mga pensiyonado pa kayo na looking for companion as you get older.
In short, kung may ka-LDR kayo, foreigner man ‘yan o Pinoy,  gawin ninyong motto ang ganito: “Ibigay ang puso at pagbigyan ang pag-ibig, pero itago ang savings!”
Intiendes?!
Proteksiyon ng Fix-cal ‘este Fiscal hiniling ng solon sa DOJ
Dahil walang habas ang pamamaslang at pananambang sa mga prosecutor o fiscal, hiniling ng isang mambabatas at dating opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Department of Justice (DOJ) na pagkalooban ng makabagong proteksiyon ang mga tagausig.
Ayon kay 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro Jr., House Assistant majority floor leader, dapat umanong pagkalooban ng bullet vest at iba pang protective gadgets ang mga piskal.
Mukhang tama naman ang sinasabi ni Kong.
Nakapagtataka talaga kung bakit paborito ngayon ng hired killers ang mga fix-cal ‘este fiscal.
‘Yan ay dahil marami umanong desmayado sa ginagawa nilang pagdedesisyon sa mga kaso.
In fairness, maramin rin tayong nakikilalang parehas na fiscal pero ilan rin sa kanila ang nakahihiyang maging kasama nila kapag nalaman nila kung paano humanap ng kuwarta.
May kilala nga tayo riyan na ang tanging ‘tinutugunan,’ ang tawag ng kanyang bulsa at pangangailangan.
Mayroong mga kaso na ibinasura na ng piskalya pero nababaliktad pa at iniaakyat pa rin sa Korte.
Magkano ‘este, ano kaya ang dahilan?!
E panay nga raw ang tugon sa tawag ng pangangailangan.
Dahil sa ganyang kalakaran, hayun mukhang may napuno ang salop — kung hindi riding-in-tandem, ambush ang isinolusyon.
Kaya nga tiklop-tuhod daw ngayon ang mga piskal. Takot din maglalalabas-labas kasi baka sila ay maisampol.
Good luck, DOJ!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *