Friday , December 27 2024

Bea, best friend si Alden at hindi boyfriend

HINDI naiwasang hindi magsalita ni Bea Binene sa kanyang personal Instagram, kaugnay sa pagli-link sa kanya kay Alden Richards na in real life ay isa sa itinuturing na best friend kasama sina Kristoffer Martin at Rodjun Cruz.
Mariing pinabulaanan ni Bea na ang bulaklak na kanyang natanggap ilang buwan na ang nakalipas ay galing kay Alden kaya hindi niya deserved ang pamba-bash sa kanya ng AlDub.
Post nito sa kanyang IG, “Okay, I really don’t wanna say anything, but it’s already getting out of hand. First, it saddens me that there are people who act, think, and tell people something like that. Nakakalungkot dahil may mga oras sila magsabi at mag-isip ng kung ano ano sa iba, na dapat ay ginagamit nila ang oras na yun to do something good and productive.
“Second, sana maunawaan natin na may mga taong mas pipiliin na maging magkaibigan than anything else. Sana maintindihan nyo na hindi porket magkasama sa photo or magkasama kumain, e may something na. I hope you all understand and just be happy because we are friends.
“Mahirap humanap ng totoong kaibigan sa industriya and I am extremely grateful to have a few real friends na tried and tested. I hope na ganun din ang isipin nyo for your own idols. Wala pong kinalaman si Alden sa bulaklak.
“Wag nyo naman po sana bigyan ng ibang meaning ang mga posts. I actually understand that you are possessive with your idols but please, wag nyo naman pangunahan and bigyan ng kung anu-anong meaning na wala naman talaga. And humahanga ako sa suporta nyo.
“I hope this clarifies everything. And I hope we just stay positive and be happy for everyone. Use your time to love your family and love one another, not to bash people who get close to your idols. If its meant to be, it will be. No hate, just love. God bless you all.”

Ate Guy, dumaan din sa depresyon
HONEST ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa pag-aming minsan din siyang nakaranas ng matinding depresyon. Minsan na rin siyang nalungkot ng bonggang-bongga nang mamatay ang kanyang tatay.
Kuwento ni Ate Guy sa isang interview, “Oo naman, ilang beses ko nang na-feel ‘yung ganyan. Pero ‘yung grabeng depression, matagal na ‘yun, noong nawala ‘yung tatay ko na unang-unang nawala sa akin, eh, mahal na mahal ko ‘yun, eh.”
Dagdag pa nito, “Siguro dahil na rin sa tagal ko sa showbiz, sa umpisa pa lang, nagkaroon na ako ng mga problema tungkol diyan sa loob ng showbusiness, ngayon pa ba ako susuko? Hindi pwede, kailangan lumaban ka pa rin, kahit anong mangyari.
“Kahit sinong tao, may karapatang lumaban. Hindi dapat sumuko anumang bigat ‘yung dinadala,” aniya pa.
Naging panlaban ni Ate Guy ang naranasang hirap para umasenso sa buhay para sa pamilya. “Ang nagpatatag sa akin, ‘yung kahirapan po namin, dahil sa magkakapatid, ako lang ang talagang nagkaroon ng isip o plano na kailangan kong maiangat ‘yung pamilya ko sa kahirapan.”

Jeru Bravo, Big Winner sa Petron Rally Of Champions!
BIG winner si Jeru Bravo kasama sina Irene Dizon, Jun Alavaro, at Aya Vargas sa kanilang respective Arrive and Drive groups ng Petron ROC Presented ng KIA in Subic Rd3 last Sunday, April 29.
First time lady driver Irene took the overall Arrive and Drive honors when she posted a total of only 5 demerits in her 2 runs in Group C with the Mini Countryman. This group nominated times between 1:11-1:15 per run.
The last minute entry of the Dizon clan nominated a time of 1:13 and posted times of 1:12.6 and 1:12.8 which translates to only 0.5 sec off the perfect time. This gave her 5 demerits in the end and topped all the drivers in the AAD race.
Jun Alavaro topped the fastest Group A with 14 demerits and 1st runner up overall. Aya Vargas got 1st place in Group D and 2nd runner up overall with 21 demerits. Boy Eusebio came in 4th overall with 22 demerits and Jeru Bravo won Group B and came in 5th overall with 32.
Group A was exciting with Alavaro’s Mitsubishi Mirage doing consistent times ahead of more powerful cars. Subic’s Jeff Soberon came in 2nd when he touched a pylon in his 1st run and couldn’t repeat his win in the 1st ROC round with 50 demerits. Oliver Rodriguez came in 3rd with 71 and was getting faster in every lap.
Group B winner Jeru Bravo used his new VW Jetta to good use by consistently taking the win 32 demerits. Subic’s PLip Velascø got 2nd overall with 56 demerits in the 4wd Mitsubishi Lancer Evo 8. Toyota Vios Cup lady driver Aira Medrano shook off her bad luck and took 3rd overall with a score of 70.
Group C saw AAD’s champ Irene Dizon and Boy Eusebio take 1st and 2nd also in the group. Christer Padaca used his Toyota Altis to good use and got 39 demerits for 3rd.
Group D saw the lady drivers Aya Vargas, Maan Gosiaco and 15yo Romina Young winning the top 3 positions with 21, 23 and 123 demerits respectively.
Special awards go to Nino Ramos for posting 0 demerits with Team owner Mark Young taking 1 demerit.
Here are the AAD Overall winners again with their demerits: 1st – Irene Dizon – 5; 2nd – Jun Alavaro – 14; 3rd – Aya Vargas – 21; 4th – Boy Eusebio – 22; 5th – Maan Gosiaco – 29
Next leg will be in NCR and Slaloms will be the featured discipline. The Petron ROC is the Decathlon of Motorsports where 10 different forms of racing will be featured. Gymkhana, Time Speed Distance and Autocross have been run in the past 3 events.

About John Fontanilla

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *