HETO pa ang isang appointee ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte — ang aktor na si Cesar Montano bilang hepe ng Tourism Promotions Board (TPB).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ipatatawag niya si Montano dahil sa pagbabayad ng kabuuang P80 milyones para sa street food project.
Ang ipinagtataka ni Secretary Berna, bakit nagbayad nang buo si Montano kahit hindi pa tapos ang proyekto?!
Sa totoo lang, hindi pa nga nasisimulan?
Ayon kay Secretary Berna, iimbestigahan niya ito at aalamin ang naging buong proseso nito.
Sa panayam kay Madam Berna sinabi niyang,
“I have to look at all the contracts even the ones existing because I’ll be implementing all these programs. If I find out there’s a contract that did not undergo bidding, I will have to cancel.”
Gusto natin ‘tong tapang na ipinakikita ni Madam Berna.
Sinabi rin niya na kukuwestiyonin niya si Monatno na dumalo sa isang speaking engagement sa Estados Unidos pero sinabi sa audience na aalis siya nang maaga para manood ng Broadway show.
“I have to ask Cesar himself what happened. Did you really just talk for two minutes? I believe there are 2 sides to the story. I’m sure he has the proper explanation,” sabi pa ni Madam Berna.
Wattafak!
Paano ‘yan Buboy, e nasa hold-over capacity ka pa naman bilang TPB chief kasi expired na ang unang appointment mo?!
Hindi ka naman pinepersonal pero ‘mainit ang ulo’ ni Madam Berna sa mga ganyang transaksiyon at kapabayaan.
Masakit na rin ang ulo ni Tatay Digong.
Sa kaso naman ng mga Tulfo at Teo, sinabi ni Madam Berna, bahala na ang COA sa kanila!
Arayko!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap