Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Kill Grab’ plot buking

IBINISTO kamakailan ng isang transport group ang sinabing isang ‘sindikato’ na nagtutulak sa planong patayin ang operasyon sa bansa ng ride-hailing app company na Grab.

‘Kill Grab’ plot ang misyon ng grupo na binu­buo ng isang mamba­batas, isang opisyal ng ahensiya sa ilalim ng Transport Department at mga bagong Transport Network Companies (TNCs), ayon sa transport umbrella group na Modern Basic Transport of the Philippines (MBTOP).

Kabilang sa MBTOP ang libo-libong TNC driver/partner na napi­pintong mawalan ng hanapbuhay dahil sa sinasabing ‘Kill Grab’ plot.

Sinabi ni MBTOP president Gohan Nuguid na layunin ng sindikato na lumpuhin ang Grab sa bansa upang makinabang ang negosyo ng mga papasok na bagong TNCs gayondin ang political at professional ‘career’ ng politiko at ng Transport official na sangkot sa maitim na plano.

“They have common denominators. One is that they all want to paralyze Grab operations. Second is that  they all hail from Davao. Another is that they all want to achieve their goals at our expense,” paliwanag ni Nuguid.

Hindi naman pina­nga­la­nan ni Nuguid ang mga sangkot sa ‘Kill Grab” plot sa takot na resbakan siya ng mga makapangyarihang per­sonalidad sa likod nito.

Pero aniya, “hindi naman mahirap matukoy ang plotters ng ‘Kill Grab” dahil malinaw pa sa sikat ng araw kung sino-sino ang nagtutulong-tulong upang katayin ang kompanya na nagbibigay sa kanila ng hanapbuhay.

“Tulad na lang ‘yung isang mambabatas na hindi gaanong kilala kaya nagpapasikat kahit pa alam niya na may mga magugutom na pamilya dahil sa ginagawa niya,” dagdag ni Nuguid.

Kailan lang ay pina­ngunahan ni Pwersang Bayaning Atleta (PBA) Partyalist Rep. Jericho ‘Koko’ Nograles ang wa­lang humpay na pagba­tikos sa Grab Philippines.

Kasabay nito, pi­nuk­pok din ng Land Tran­s-port Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinamumu­nuan ni Martin Delgra ang Grab Phils., bunsod ng pag-atake ni Nograles.

Ipinoproseso  rin ng LTFRB ang aplikasyon para sa license to operate ng mga bagong TNCs tulad ng Owto at Golag.

Tulad ni Nograles at Delgra na mga Davaoeño, pinaniniwalaan na ang mga bagong TNCs sa pangunguna ng Hirna ay pawang galing sa Davao.

Mawiwindang ang mga negosyo at maba­baon sa utang ang libo-libong driver/partner na tumaya sa Grab at Uber at tuluyang magugutom ang kanilang mga pamilya sa oras na magta­gum­pay ang ‘Kill Grab’ plot, ayon naman kay Michael Pido, admin executive ng MBTOP.

“Sana po maisip nila sa bawat paghihigpit at pagtira nila sa Grab. Kaming mga driver ang nasasaktan at nahihira­pan. Sana maisip nila na mas marami kaming napapahirapan sa so­brang baba ng fare kaysa iilan lang na rider na nag­rereklamo sa fare. Sana kahit isang araw subukan nila magbiyahe para ma­ra­nasan nila ang suma­bak sa sobrang traffic para sa kakapiranggot lang na fare. At sana pag­tuunan nila ang paggawa ng tamang batas na da­pat sundin. Saka nila punahin at pagmultahin ang mga TNC’s kapag hindi sumunod,” ani Pido.

Samantala, napipin­tong umaray ang publiko na umaasa sa serbisyo ng Grab kapag natigil ang operasyon nito sa bansa.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …