Monday , December 23 2024

BIR accreditation para sa importers/brokers tinanggal sa rekesitos ni Commissioner Sid

GOOD news para sa mga importer at brokers.

Hindi na rekesitos sa Bureau of Customs (BoC) ang Importer Clearance Certificate (ICC) at Broker Clearance Certificate (BCC) mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa kanilang accreditation.

Naniniwala si Customs Commissioner Isidro Lapeña na ang bagong policy ay tuluyang ‘lulusaw’ sa mga consignee-for-hire ganoon din sa fly-by-night importers and brokers.

Sa ilalim din ng bagong patakaran, nililimita­han na ang awtorisadong kinatawan ng customs brokers na puwedeng makipagtran­saksiyon sa bureau.

Ang mga bagong patakaran na ito ay nakapailalim sa Customs Memorandum Order (CMO) 5-2018 na nilagdaan ni Commissioner Lapeña, at opisyal na itinala ang documentary requirements para sa accreditation ng mga custom brokers and importers.

Kaya para sa new importers kailangan nilang magsumite ng application form sa BoC Accounts Management Office (AMO), isang affidavit na nagtatalaga ng awtorisadong signatories sa import entries, dalawang valid IDs, clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI), registration sa BIR, mayor’s permit, at income tax return sa huling tatlong taon.

Kailangan din nilang ipasa ang pinakabagong company information sheet, company profile, personal profile ng applicant o ng responsableng officers, address ng warehouse, proof of lawful occupancy, list of importables, printed Client Profile Registration System (CPRS) notification, at endorsement mula sa collector.

Para sa mga importer na magre-renew ng kanilang accreditation sa BoC, kailangan nilang magsumite ng updated general information sheet, company profile, address of warehouse, proof of lawful occupancy, updated letter of intent, CPRS notification, income tax return at mayor’s permit.

Sa kabilang banda, ang licensed brokers na nag-a-apply ng accreditation ay kailangan magsumite ng kanilang application form, valid card mula sa Professional Regulation Commission (PRC), list of clients and repre­sentatives, CPRS notification, BIR registration, income tax return, NBI clearance, at certificate of good standing mula sa PRC-accredited organization for brokers.

Ganoon din sa accredited customs brokers na magre-renew ng kanilang accreditation.

Nauna rito, iniutos ni Lapeña sa BoC AMO na mag-facilitate ng accreditation ng stakeholders at iklian ang processing time mula sa dating dalawang buwan ay gawin itong limang araw.

Sinusugan ito ng Department of Finance (DOF) sa pamamagitan ng Department Order 11-2018, na nag-uutos ibalik ang awtoridad sa BoC para sa akreditasyon ng register brokers and importers sa layuning maging simple at mabilis ang proseso.

Ang Boc naman ang magdadala sa BIR on a quarterly basis ng listahan ng approved and accredited customs brokers and importers para sa post-accreditation validation of tax compliance.

Sa utos na ito ng DOF, ang commissioner lamang ng BoC ang may solong awtoridad para mag-aproba at mag-disaproba ng aplikasyon, suspensiyon, rebokasyon, kanselasyon, at reaktibasyon ng akreditasyon ng importers at customs brokers.

Sa palagay natin ay magpapalakpakan ang mga tao sa Customs sa bagong utos na ito ni Commissioner Lapeña.

Malaking kaalwanan ang limang araw na akreditasyon mula sa dating inaabot nang dalawang buwan at pabalik-balik pa ang mga aplikante o ang mga kinatawan nila.

Mabuhay ka Commissioner Sid!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *