MEDYO nagulat tayo nitong nakaraang weekend nang may magpadala ng mensahe sa private messenger ng inyong lingkod kaugnay ng news article na inilabas ng Philippine News Agency sa kanilang online edition na may ganitong titulo: Hataw ‘P647.1-M’ report malicious, fake (May 11, 2018, 6:14 pm).
“Malisyoso na peke pa!?”
Wattafak!
Mukhang kami ang dapat na magsalita niyan, hindi kayo, resigned PCOO undersecretary Noel Puyat.
Sabi nga ninyo, ang PCOO management ay may commitment sa transparency and accountability.
E bakit sa isang istorya lang ng resignasyon ninyo ay parang ‘kinabahan’ at nanginig na kayo, para bansagan ang HATAW na malisyoso at fake ang news?!
E hindi pa nga nagaganap ang Asean, ilang news stories na ang naglabasan na kinukuwestiyon ang napakalaking budget na inilaan dito ng Duterte administrasyon.
Heto po, paki-br0wse lang po ang mga links na ‘yan para malaman ninyo kung ano ang ginagawa ng mga staff ninyo.
1) https://www.msn.com/en-ph/news/national/inside-the-p15-billion-asean-hosting-budget/ar-BBF4Ka7
2) https://www.pressreader.com/philippines/the-philippine-star/20170225/282059096773415
3) http://cmfr-phil.org/media-ethics-responsibility/journalism-review/asean-summit-2017-bloated-budget/
Ayon sa nasabing mga balita, hindi naman ito ang unang regional meeting na ini-host ng Filipinas — ang katotohanan — ito ang ‘most expensive.’
Sinabing umabot sa P15.5 bilyon ang inilaan ng gobyerno para sa semi-annual summit, at iba pang aktibidad na related sa ASEAN’s 50th anniversary.
Napuna ng The Philippine Star na ang budget allocated para sa summit ay malaki nang P10 bilyon kompara sa pagho-host ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit noong 2015. Ang APEC umano ay may 21 member countries, habang ang ASEAN ay 10 lamang.
O ‘yan bang mga naglabasang balita na ‘yan ay tinawag ninyong malisyoso at fake news?
Bukod diyan, bakit kung kailan sinabi ng Pangulo na mag-resign na ang mga opisyal ng gobyero na sabit sa korupsiyon e agad ninyong sinundan ng pagbibitiw?!
May na-hurt ba sa feeling ninyo resigned undersecretary Puyat?!
Bitter ba kayo?!
Hanggang ngayon, paulit-ulit na binabasa ng inyong lingkod ang news na lumabas sa HATAW, wala kaming makitang dahilan para tawagin ninyong fake o malisyoso ang news story.
Kung may nasaling man sa ‘pride’ ninyo, palagay natin ay mayroon pa kayong hanggang 30 Mayo para magpadala ng eksplanasyon sa HATAW Diyaryo ng Bayan.
Mabasa man lang ng publiko ang rason ninyo Mr. Puyat, bago kayo mag-resign nang tuluyan — hindi ‘yung basta na lang kayo nagbububusa na fake at malicious news pero wala man lang kayong inilatag na basehan.
By the way, fake ba, Mr. Puyat na ikaw ay nagsilbing chairman ng ASEAN 2017 Committee on Media Affairs and Strategic Communications (CMASC) na pinaglaanan ng pondong P647.11 milyon?!
Fake news din ba na hinahanap ng COA ang mga kaukulang dokumento, gaya ng memorandum of agreement upang mabigyang katuwiran ang malaking ginastos sa pagdaraos ng ilang aktibidad at pananatili ng mga opisyal at ilang kawani ng PCOO sa isang six-star hotel noong nakalipas na taon?!
Bukas po ang kolum na ito ng Bulabugin para sa inyong kasagutan, resigned undersecretary Puyat.
Hihintayin po namin ang liham ninyo…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap