Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Dagdag budget solusyon ni Bato sa maayos na Bilibid

MALAKAS ang loob na sinabi ni newly appointed Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald “Bato” dela Rosa na dagdag budget ang kailangan para maisaayos ang New Bilibid Prison (NBP).

Dalawang araw pa lang daw siya sa Bilibid at wala pa siyang nakikitang solusyon kundi pawang problema.

“In my two days na stay sa BuCor, wala pa akong nakikitang solusyon, ang nakikita ko puro problema,” sagot niya sa isang panayam.

“Isa lang ang pinakamalaking solusyon dito: pera, budget…” pahayag ng bagong BuCor chief.

Gusto ng dagdag na budget ni Chief Bato para raw dagdagan ang sahod ng prison guards.

Naniniwala siguro si Chief Bato na kapag nadagdagan ang suweldo ng mga prison guard e hindi na sila papatol sa mga ilegalistang nambubuyo sa kanila.

Gusto rin daw niyang maipagawa na ang P50.2- bilyong mega prison facility sa Nueva Ecija para maresolba ang nagsisiksikang preso sa Bilibid.

Sa huling tala nitong Hunyo 2017, ang Bilibid ay may 24,780 preso, higit sa kalahti ng kapasidad nitong 10,082.

Bukod diyan nasisilip din ni Chief Bato ang isang “security nightmare.” Ang pagiging malapit ng Bilibid sa public access road at sa residential area na pader lang ang pagitan sa maximum security compound.

“Naglalakad ‘yung tao roon, pa-simple lang, [hinahagis] ‘yung black sack [papunta sa loob ng maximum security compound] — may lamang cellphone, sigarilyo, mga contraband,” ani Chief Bato.

Madiin din ang pangako ng dating PNP chief na nais niyang wakasan ang drug trade sa loob ng Bilibid.

Sa loob ng dalawang araw ay nakita lahat ‘yan ni Chief Bato pero hindi niya nabusisi ang ‘catering’ na matagal nang sinisindikato at inirereklamo.

Sa totoo lang, ‘yan ang dapat niyang busisiin dahil marami nang yumaman diyan habang nagdidildil sa paulit-ulit na ulam ang mga preso.

Marami ngang preso riyan, ayaw nang patulan ang pagkain na inirarasyon ng catering at nagluluto na lang sila-sila o kaya nagpapaluto sa mga ‘dalaw’ nila na umupa na ng bahay sa labas ng Bilibid.

BuCor Chief Bato Sir, subukan n’yong i-surprise inspection ang catering para matuk­lasan ninyo kung ano ang uri ng pagkain ng mga preso mula sa milyon-milyong budget na inilalaan ng pamahalaan.

Kung mapapakain nang tama at masus­tansiya ang mga preso, baka tumagos sa puso at isip nila ang sustansiya at baka roon din magsimula ang katahimikan, kaayusan at kapayapaan sa loob ng Bilibid.

Ano sa palagay ninyo BuCor chief, Sir Gen. Bato?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *