PANSAMANTALANG sususpendehin ng Cebu Pacific ang lahat ng flights patungo at mula sa Caticlan, Aklan bunsod ng mahinang demand dahil sa pagsasara ng Boracay Island. Ang suspensiyon sa lahat ng operasyon ay epektibo sa 17 Mayo 2018 hanggang 27 Oktubre 2018.
Bago ito, pinanatili ng Cebu Pacific ang daily flights sa pagitan ng Manila at Caticlan; gayondin ang Cebu at Catcilan makaraan isara ang Boracay noong 26 Abril.
Ibabalik ng Cebu Pacific ang full commercial service sa Caticlan kapag binuksan ang Boracay sa huling bahagi ng Oktubre 2018.
Ang mga apektadong pasahero ay maaaring pumili sa sumusunod na opsiyon: Kunin ang full refund; ilagay ang buong halaga ng ticket sa travel fund para magamit sa hinaharap; i-rebook ang flight sa loob ng 30-araw nang walang multa, depende sa flight/seat availability; i-reroute sa alin mang domestic destination sa loob ng 30-araw nang walang multa, depende sa flight/seat availability.
Ang Cebu Pacific ay nasa proseso ng pagbibigay ng impormasyon sa mga pasaherong apektado ng flight cancellations. Ang mga apektadong pasahero ay maaaring ayusin ang kanilang rebooking o refund via “Manage Booking” section sa CEB website, www.cebupacificair.com.
Ang guests na nag-book sa travel agent o alin mang third party ay hinihikayat na magsumite ng kanilang sariling contact details upang direktang maabisohan ng ano mang flight changes.
Para sa ano mang tanong, ang mga pasahero ay maaaring magbigay ng mensahe sa official Cebu Pacific Facebook (https://www.facebook.com/cebupacificair) or Twitter (@CebuPacificAir) accounts.
Maaari rin makipag-ugnayan sa CEB hotline at +632 702 0888, gayonman dahil sa heavy volume ng mga tawag, ang pinakamabilis na paraan sa pag-rebook o pag-refund sa apektadong flights ay sa pamamagitan ng “Manage Booking” section sa Cebu Pacific website.