Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

3 miyembro ng pamilya arestado sa child abuse (Sa Zamboanga City)

KALABOSO ang tatlong miyembro ng isang pamilya dahil sa kasong child abuse sa Governor Camins, Zambaonga City.

Kinilala ang inarestong mga suspek nitong Miyerkoles, na si Ariel Crisostomo, 51, kaniyang misis na si Rose, 48, at kanilang anak na si Archie, 28-anyos.

Ayon sa ulat, dumulog sa Sta. Maria Police Station 7 ang biktimang 13-anyos dalagita, kasama ang kaniyang ina upang isumbong na ikinakadena siya ng mga suspek  at noong Lunes ng gabi, 7 Mayo ay ginahasa umano siya ng anak ng mag-asawa.

Pahayag ni Ariel, may mga dokumento silang hawak sa pag-ampon sa bata. Ngunit pasaway at palagi umanong umaalis ng bahay tuwing gabi at madaling-araw na kung umuu­wi, kaya ikinadena ang biktima.

Dagdag ni Ariel, gusto na umano nilang ibalik ang bata sa totoong nanay dahil sa problemang dala sa kanilang pamilya.

Nais makipag-areglo sa nanay ng biktima ang mga sus­pek, na ngayon ay nakaku­long sa Sta. Maria Police Station 7.

Samantala, itinanggi ni Archie ang akusasyong gina­hasa niya ang biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …