Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Wanda out Berna in sa Tourism

SALUDO tayo sa ginawa ni Madam Wanda Teo, kusa na siyang nag-resign at hindi na siya nakipaggitgitan pa kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sabi nga kapag may nagsarang pinto, mayroong magbubukas na bintana. Baka ‘yun na ang mas malaking suwerte kay Madam Wanda.

Ipinauubaya na rin ni Madam Wanda ang lahat sa isasagawang im­bestigasyon ng Ombudsman nang sa gayon nga naman ay malinis ang kanyang pangalan kung silang mag-uutol ay wala naman talagang kinalaman.

Sa isang banda, napakapositibo naman ng pagsalubong kay out­going Agriculture undersecretary Berna Romulo Puyat bilang bagong Tourism Secretary.

Marami ang natuwa at pumabor sa appointment sa kanya ng Pangulo.

Ultimo Senado, welcome na welcome si Madam Berna.

Umaasa tayo na sa pagpasok ni Ma’m Berna ay maisusulong ang tunay na diwa ng turismo na nakaugat sa promosyon ng bansang Filipinas bilang isang bansa na mayroong mayamang kasaysayan, may mga mamamayan na masisipag at masisikhay, nagtatanggol sa kalayaan, lumulupig ng kaaway at namamatay para sa bayan.

May promosyon ng kultura sa iba’t ibang porma at kahulugan ng sining gaya ng ginagawa ng iba pang bansang Asyano.

At hindi lang sana sa dayuhang turista magtuon ang Department of Tourism (DOT), dapat, tayong mga Filipino mismo ay mulat sa ating lahi, kultura at kasaysayan.

Dapat magkaroon ng programa ang DOT na hihikayat sa ating mga kababayan na bago lumabas sa ibang bansa ay libutin muna ang sariling bayan.

At mangyayari lang ‘yan kung magiging mura at affordable ang promosyon ng iba’t ibang lugar sa ating bansa.

Hindi ba’t ganyan ang ginagawa ng ibang bansa, hinihikayat nila ang kanilang mga kababayan na kilalanin muna ang sariling bayan bago mamasyal sa ibang bansa.

Kaya naman ang yabong-yabong ng turismo (local tourist) sa Taiwan, sa Hong Kong, sa China, at sa iba pang Asyanong bansa.

Sa totoo lang, ultimo mga lokal sa Luzon, Visaya at Mindanao ay hindi pa nalilibot ang ka­buuang isla na kanilang sinilangan.

Sa Metro Manila lang, marami pang bata ang ignorante sa kasaysayan ng lungsod na kanilang tinitirahan.

Kaya dapat pong maipatimo sa kaisipan ng bawat Filipino na ang turismo ay hindi simpleng pamamasyal kundi pagkilala sa kasaysayan, kultura, at lahi.

Kung mismong mga Filipino ay magiging mulat sa layunin ng turismo palagay natin ay mada­ling-madali na ang panghihikayat sa mga dayuhang turista na mamasyal o sa ating bansa.

Anyway, walang duda na kayang-kaya ‘yan ni Secretary Berna…

Pero kuwidaw Madam, kaiingat kayo sa pali­gid ninyo. Lalo na sa iilan na kabago-bago pa lang pero mabilis na nagbabago ang sizes ng wardrobe.

Masyado nga sigurong masagana ang kanilang ‘pagtuturista’ sa loob ng tanggapan ng DOT.

Kaya kailangan n’yo silang kilalaning mabuti.

Baka nga ilan sa kanila pa ang nagligwak kay Madam Wanda.

Aruykupo!

Huwag na huwag na kayong papayag maulit sa inyo ang naranasan ni Madam Wanda.

Goodluck, Madam Berna!

KALIBO
INTERNATIONAL
AIRPORT IREHAB
NA RIN!
(ATTENTION: DOTr
ARTHUR TUGADE)

NGAYONG pansamantalang nag-seize ang operation ng buong Kalibo International Airport (KIA), pagkakataon na siguro ito para ayusin ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Phi­lippines (CAAP) ang estruktura ng nasabing airport.

Kung noon ay kanilang inirereklamo ang “lack of time” dahil sa dami ng mga pasahe­rong dumaraan sa kanila, ngayon naman si­guro ay wala na silang masasabi dahil kanilang-kanila na ang oras para isaayos ang sandamakmak na kakulangan sa kanilang serbisyo sa KIA!

Una sa lahat, ang sobrang liit ng kanilang lugar para sa airline counters at boarding gates kaya parang mga daga na nagsisiksikan ang mga pasahero kapag oras ng check-in, ganoon din ang sistema ‘pag “ready to board” na sila.

‘Yung open area kung saan dumaraan ang mga pasahero kapag bumaba na sila sa kanilang airline ay dapat lagyan ng “wall” o dibisyon para kung palipad na ang eroplano ay hindi naman sila tinatamaan ng “jet blast!”

Alam naman natin na sobrang masama lalo na sa mga bata ang malanghap ang aviation gas na lumalabas sa eroplano.

Pagdating naman sa facilities ng KIA, aba’y palitan na ang mga lumang air-conditioning system diyan na parang pugon sa init ang ibi­nubugang hangin?!

Wala rin daw maayos na drinking fountains na puwedeng pag-inuman o pagkuhaan kung nauuhaw na ang mga pasahero.

Sus depuga man?!

Kung iisa-isahin pa natin ang diperensiya ng airport terminal ay baka maubos ang pahina ng buong diyaryo sa dami ng dapat ayusin diyan sa Kalibo Airport!

Kaya naman ‘yung basic necessities lang ang atin munang ipinaaalala!

Sa laki ba naman ng koleksiyon araw-araw ng nasabing airport noon, I’m sure hindi pupuwede sabihin ni CAAM Efren Nagrama na wala silang pondo?!

Ano sila hilo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *