INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang pagtatalaga sa 11 police personnel na nag-bash sa kanya sa social media, sa Mindanao.
Sinabi ni PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao, ang utos ni Albayalde ay epektibo kahapon, 9 Mayo.
Ang 11 police personnel na ipinatawag ng Office of the Chief PNP, ay itatalaga sa Police Regional Office – Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon kay Bulalacao.
Nauna rito, sinabi ni Albayalde, ang 11 pulis na nag-bash sa kanya sa social media ay sasampahan ng kasong “conduct unbecoming of an offi-cer.”
Ang dalawang pulis na hindi nagpakita sa tanggapan ng PNP chief, ay mahaharap sa karagdagang kaso dahil sa “disobedience” kapag muling nabigong mag-report sa opisyal.
Samantala, 24 iba pang mga pulis na hinihinalang nag-bash din sa PNP chief, ang ipa-tatawag din sa linggong ito.