TAGUMPAY ang inilunsad na Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia Ni Cristo (INC) nitong Linggo, 6 Mayo na nasimula sa Mall of Asia, patungong Quirino Grandstand.
Isang bagong record din ang kanilang naitala sa Guinness World Records.
Pero hindi tayo masyadong bumilib diyan.
Ang kinabiliban natin nang higit, ‘yung pagkatapos ng event ay nagkanya-kanyang linis ang bawat kasapi ng INC na dumalo.
Kaya pag-alis nila, walang nakitang basura ni katiting na kalat sa lugar na kanilang pinagdausan.
Marami tayong nakikita na ginagamit na event place ang malalaking lugar sa Maynila o sa south Metro Manila pero bukod sa nililikha nilang traffic, iniiwan pa nila ang sandamakmak na basura.
Panay pa ang praise the lord niyan.
Sana naman ganyan din ang gawin ng malalaking orgnaisasyon o sekta kapag ginagamit nila ang mga pampublikong lugar. Maging malinis.
Ganyan din sana ang gawin ng mga militanteng nagsasabing mahal nila ang bayan, maglinis pagkatapos mag-rally — e kapag ganyan baka bumilib pa ang bayan sa inyo.
Again, kudos INC!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap