Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ElNella at fans ni Jameson, riot sa socmed

HINDI maiiwasang madikit ang pangalan ni Jameson Blake kay Janella Salvador dahil magkasama sila sa So Connected ng Regal Entertainment na idinirehe ni Paul Laxamana at mapapanood sa May 23.

Ani Jameson, simula pa lang ay alam na niyang maba-bash siya ng ElNella supporters.

“I already expected it naman, umpisa pa lang alam ko na ganoon ang mangyayari.

“Alam naman po natin na selosa ang fans, kaya I understand them, ‘yun nga lang trabaho lang naman itong ginagawa namin ni Janella.

“There was this time I greeted her on my post: ‘Happy birthday Trisha (her character in their movie).They say I’m a user, I was using her for my fame, gusto ko raw sumikat. ‘Wag naman puro promo,” patungkol sa kanilang movie.

Giit niya, “I wasn’t basically promoting.

“I don’t wanna fight them. I had my fans fighting them so I just let that happen. It was a riot.”

Deadma na lang si Jameson at ‘di na nagbabasa ng mga negative comment ng bashers. Ang mahalaga sa kanya ay may trabaho siya at ayaw niyang maapektuhan ng mga nagnenega sa kanya.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …