Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ElNella Elmo Magalona Janella Salvador
ElNella Elmo Magalona Janella Salvador

Elmo, tinutukoy na soulmate ni Janella?

NAKIUSAP si Janella Salvador na huwag munang pag-usapan ang tinutukoy niyang “soulmate” sa presscon ng bago niyang pelikula under Regal Films, ang So Connected katambal ang Hashtag member na si Jameson Blake at mapapanood na sa May 23 mula sa mahusay na direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Naiintindihan naman ng mga naimbitahang press ang pakiusap ni Janella dahil imbes nga naman na mas pag-usapan ang movie nila ni Jameson ay baka masentro ang publicity sa kanyang lovelife. Lalo na’t alam naman ng marami na si Elmo Magalona ang lalaking itinuturong malapit na malapit sa dalaga.

Bukod pa nga sa awkward na pag-usapan ang kanyang lovelife sa harap ni Jameson na siyang kapareha sa said film, naniniwala naman ang singer/actress sa soulmate.

“Ako, I believe in soulmate. It doesn’t necessarily have to be romantic naman. Sabihin ko sa inyo kapag nahanap ko na ang soul mate ko. Sana siya na… sana.”

Makakasama rin dito nina Janella at Jameson sina Ruby Rodriguez, Rolando Inocencio, Cherise Castro, Krystal Brimner, Paulo Angeles, VJ Mendoza, Chai Fonacier, at Rafael Suduyan.

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …