Saturday , April 12 2025
dead baby

Sanggol nagulungan ng truck, ulo napisak (Sa A. Bonifacio Ave.)

BINAWIAN ng buhay ang isang sanggol maka­raan masagasaan ng isang truck habang naglalaro sa gilid ng kalsada sa Brgy. Balingasa, Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Hadsman Angilan, isang-taong gulang.

Naglalaro ang biktima sa gilid ng A. Bonifacio Avenue nang mahagip ng truck sa ulo.

Ayon sa tiyahin ng bata na si Sara Asan, hindi nila nakita ang pangyayari ngunit may narinig silang mistulang putok ng lobo malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Ilang saglit makaraan marinig ang parang putok ng lobo, nalaman ng pamilya ng sanggol na nasagasaan ang biktima.

Ayon sa pulisya, malamang na talagang tumakas ang driver ng truck ngunit may posibilidad din umanong hindi napansin ang insidente.

Lagpas isang buwan nang naninirahan ang pamilya ng biktima sa gilid ng kalsada sa A. Bonifacio Avenue.

Sinabi ni Asan, galing sila ng Pampanga at pumuntang Maynila nang ma-demolish ang kanilang bahay.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng driver ng truck dahil wala rin nakakita sa plaka ng sasakyan.

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *