Friday , November 22 2024

‘Corrupt’ sa admin ni Tatay Digs dapat mag-resign nang kusa (‘Safeguard’ para sa malinis na konsensiya)

IBANG klase talagang magbigay ng ultimatum si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga pinagkatiwalaan niya na biglang nabubu­yangyang na mga corrupt pala.

At hindi barya-baryang kupitan, pandarambong kung humakot!

Sa kabila nito, natututong magtimpi ang Pangulo dahil ayaw na raw niyang maulit na pati ang reputasyon ng mga anak ng mga ‘corrupt’ ay nadadamay.

Mas gusto ng Pangulo na konsensiya ng mga nasasangkot ang magpasya kung paano nila ‘lilinisin’ ang minantsahan nilang tiwala na ipinagkaloob sa kanila.

Mabait pa nga ang presidente dahil sa ganyang konsiderasyon na ibinibigay niya sa mga mandarambong — ayaw niyang ipahiya sila, sa ngalan nga ng mga anak nila.

Reading between the lines — kahit na gustong ‘murahin’ ng Pangulo ‘e ‘wag na lang — basta ang importante magdesisyon sila.

Sabi nga, kapag nagsalita nang ganyan ang Pangulong Digong, maghakot-hakot ‘este magbalot-balot na kayo dahil tiyak kapag ‘napuno ang salop’ tiyak na malaladlad ang ‘talop’ ninyo sa publiko.

Siguro naman, nakapagsubi na rin kayo kahit paano. Baka nga puwede nang pang-retirement ‘yang mga nasubi ninyo.

In short, mag-‘gracefull exit’ na kayo.

Huwag na ninyong hintayin na tamaan pa kayo ng ‘tabak ni Damocles!’

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *