UMABOT lamang sa 4,251 drug personalities ang napatay at mahigit 140,000 ang arestado sa drug war ng administrasyong Duterte, ayon sa isang opisyal nitong Lunes.
Sa briefing sa Camp Crame, iniharap ng police officials at communications officials ng Malacañang ang latest data base sa government’s #RealNumbersPH.
Iprenesinta ni National Capital Region Police Office chief Director Camilo Cascolan, may akda ng Philippine National Police’s (PNP) Oplan Tokhang and Oplan Double Barrel, ang data base sa kabuuang 98,799 anti-drugs operations na isinagawa magmula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, hanggang 30 Abril 2018.
Sinabi ni Cascolan, inilabas nila ang “score cards toward drug-free Philippines to avoid confusion and seek a comprehensive data” sa drug war ng Duterte administration.
Nitong nakaraang buwan, hinikayat ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde ang European Parliament na ipakita ang kanilang basehan na 12,000 katao ang napatay sa drug war ng gobyerno.
Samantala, sinabi ni Cascolan, bukod sa mga napatay sa mga operasyon, kabuuang 142,069 drug personalities ang arestado.
Sa latest data, nabatid na kabuuang 176 drug personalities ang napatay mula 20 Marso hanggang 20 Abril ngayong taon.
Habang ang bilang ng mga nadakip na suspek ay tumaas ng 18,421.