Monday , December 23 2024

Federalismo tablado sa mas maraming Filipino

MUKHANG tuluyan nang gumuho ang pundasyon ng Federalismo na isinusulong ng PDP-LABAN, ang partido ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, sinabing 66 porsiyento ng mga Filipino ay hindi pabor na palitan ng federalismo ang kasalukuyang sistema ng gobyerno.

Sa survey na ginawa noong 23-28 Marso, lumitaw na 66 porsiyento ng mga tinanong ang tutol palitan ang kasalukuyang sistema ng pa­mamahala sa gobyerno.

Umabot  sa 36 porsiyento ang tutol sa pagpapalit ng sistema, habang 30 porsiyento ang tutol ngayon ngunit posibleng magbago ang isip sa ibang panahon.

Nasa edad 18 pataas ang 1,200 katao na tinanong sa survey na mayroong plus at minus 3 percent na margin of error margin.

Maging ang mga taga-Mindanao, mayorya ang nagpahayag na hindi sang-ayon na gawing federalismo ang sistema ng gobyerno.

Alam naman nating lahat na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte, at kaniyang mga al­yado sa pangunguna nina Senate President Koko Pimentel at Speaker Pantaleon Alvarez, ang pagbabago sa Saligang Batas para mapalitan ng fe­deralismo ang sistema ng gobyerno.

Ang tanong kasi: may pagpipilian ba talaga ang mamamayan?!

Parang wala naman, kasi hindi nga gumugulong ang pagpapaliwanag sa mamamayan kung ano ang federalismo na gusto nilang isulong.

Isa pang tanong, nasaan na si CabSec Jun Evasco? Kung hindi tayo nagkakamali, si CabSec lang ang maaasahan ni Digong sa ganyang gawaing nitty-gritty at mass organizing.

Siya lang din ang may kakayahang buuin ang buong puwersa ni Digong na may kakayahang magpaliwanag sa mamamayan kung ano ang federalismo.

Dahil marami sa mga nakapaligid kay Digong, ang kailangan lang nila ay makasingit sa seat of power at higit sa lahat wala silang kakayahang mag-organisa at magpaliwanag kung ano ang federalismo.

Kaya magtataka pa ba tayo kung tablado sa sambayanang Filipino ang federalismo?!

E mismo ngang ‘yung sigaw nang sigaw ng federalismo hindi naiintindihan ‘yun ‘e.

Aber?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *