Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Survey says: Panalo si Kong at Sen depende sa ‘pakomisyon’

HUWAG tayong magtaka kung sunod-sunod na naman ang paglabas ng mga resulta ng survey na pakomisyon ng iba’t ibang organisasyon at institusyon.

Iisa lang ang dahilan niyan. ‘Yan ay dahil may eleksiyon!

Hindi ba ninyo napapansin para silang scion: eleksiyon, pakomisyon, organisasyon o institusyon at iba pang ‘siyon.’

Lahat sila laging lumalabas ngayon.

Sa labanan sa hanay ng mga senador, 12 ang pag-aagawang puwesto. Pero sa realidad, halos apat o anim na Senador ay hindi na magigiba sa puwesto.

‘Yung kinalalagyan nila ngayon ay parang ‘upuan’ na nakadikit na sa mga puwet nila. Kaya halos anim na ‘upuan’ na lang ang natitira sa mga tatakbo ngayon sa Senado.

Ilan sa mga tatakbo riyan ay mga mahilig tumakbo pero walang panalo; mga bagong kandidato pero dahil sa name recall ay makasisilat ng puwesto; mga magbabayad ng social media manager para patampukin ang mga pangalan nila at lumikha ng mas mahusay na name recall.

At mayroon din naman na ngingiti at ka­kaway lang at hindi na magsasalita pero humahakot ng boto at ‘yan ay dahil sa mind conditioning na nililikha ng ‘survey says!’

‘Yan din ang dahilan kung bakit maraming politiko ang nagpapakomisyon tungkol eleksiyon.

Ginagamit nila ang mga datos sa isinagawang survey para sa kanilang kampanya.

Kung mas credible at mas kilala ang survey company, malaking bentaha sa politiko ‘yun.

Gaya ng magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada. Parehong tatakbo sa senado, gitgitan sila sa survey, pareho kayang manalo?

Surveys says?!

Nariyan pa si Senator Grace Poe, Senator Cynthia Villar, kasalukuyang Taguig representative Pia Cayetano, re-electionist Senadora Nancy Binay at Senador Sonny Angara, ang anak ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na si Davao City mayor Sarah Duterte-Carpio, Senate President Koko Pimentel, dating senador Sergio Osmeña, Lito Lapid at Jinggoy Estrada; broadcaster Erwin Tulfo; at dating Philippine National Police chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Sa dami ng mga susungkit ng puwesto sa Senado na ‘yan, bawat isa sa kanila ay naghahangad na sabihin sa survey na sila ay patok na patok sa eleksiyon.

Kaya sa pakomisyon pa lang sa survey, totosgas na ang mga politiko, kahit magkano para makasigurado.

Pero dapat tayong matakot kapag survey says: Bokya na naman ang mga Pinoy sa 2019 midterm elections…

‘Yun ang masaklap!

GAYA-GAYA PUTO MAYA
NGA BA SI SECRETARY
ALAN PETER CAYETANO?!

ITO raw ang malaking problema ng mga opisyal ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte — gaya-gaya puto maya.

Kapag nahaharap umano sa maseselang isyu parang biglang nagwawala at umaastang si tatay Digong kung magsalita.

Gaya ni Foreign Secretary Alan Peter Caye­tano nang pumutok ang isyu ng extrajudicial killings sa ilalim ng anti-drug war ng Duterte administration na pinuna ng European parliament, agad nagtaas ng boses at inakusahan na nakikialam sa internal affairs ng bansa.

Bilang kalihim nga naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang dapat niyang gawin ay maging diplomatiko at harapin nang may matibay na basehan ang bintang ng European parliament.

At kapag napanindigan niya ang mga argumento saka siya mag-iwan ng salita na: “Ayaw na naming maulit ito, dahil kung hindi, gagawin namin ang mga karampatang aksiyon para matandaan ninyo na hindi kayo dapat nanghihimasok sa internal affairs ng bansang Filipinas.”

Ganoon dapat katikas! Hindi ‘yung ginagaya lang si Tatay Digong tapos sasabihin astig na…

E nasaan pala ang “output?”

Bokya na naman?! Aruykopo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *