Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Pera o kahon

If you want to know what God thinks of money, just look at the people he gave it to.

— Dorothy Parker

PASAKALYE:

Karangalan para kay Customs commissioner Isidro Lapeña ang pagkakahuli sa isang 40-foot container van ng tinatawag na ‘ukay-ukay’ o mga second hand na damit, na pumasok sa bansa noong 27 Pebrero sa Manila International Container Port (MICP) .

Nagmula ang mga ukay-ukay sa Hong Kong at ‘misdeclared’ bilang household goods at mga personal effect mula sa Proline Logistics Philippines Inc.

Marahil nga ay magandang accomplishment ito para sa Bureau of Customs (BoC). Nakikita nating naghihigpit na sila sa mga kargamentong pumapasok sa ating bansa.

Kaya lang, naitatanong din natin kung bakit may mga produkto tayong nakikitang alam naman nating walang pakinabang pero ibinebenta pa rin publiko —kundi man sa mga kalsada ay sa malalaking mall.

Halimbawa na ang mga energy saving gadget, na tiyak ay minsan n’yo nang nakita sa mga tiangge, department store at maging sa mga vendor na naglalako sa iba’t ibang lansangan, partikular sa Tutuban at Divisoria.

Ayon sa mga eksperto, walang tunay na energy saving gadget kaya ang mga binebentang iyan ay puro panloloko lang sa mga taong ma-daling mapabilib.

Ngayon, bakit hindi mapigilan ng BoC ang pagpasok ng mga ganyang klase ng produkto?

***

INALIS ang mahigit 60,000 aplikante bilang mga lehitimong biktima ng human rights violation sa kapanahunan ng martial law sa ilalim ng yumaong Pangulog Ferdinand Marcos dahil kulang ang isinumite nilang katibayan para mapagtibay ang kanilang claim.

Hindi kukulangin sa 11,000 mula sa 75,000 ang idineklarang may karapatang mag-claim, ayon kay Claims Board chairperson Lina Sarmiento.

Sa pananaw ng inyong lingkod, nakatutuwang isipin na may mga indibiduwal na sumubok mag-claim samantala alam naman nila siguro kung may karapatan sila rito o wala. Tiyak alam nila kung sila nga ay biktima ng batas militar ni Marcos o hindi kaya bakit pa magpapalista bilang human rights victim kung hindi naman?

Nais lang marahil magkapera.

Kasi nga hindi biro o maliit na halaga ang maaaring makamit ng bawat claimant.

Nakasaad: A claimant who gets 10 points, which is classified as “extreme violation of human rights,” may receive up to P1.7 million as monetary reparation.

Ngunit mabait pa rin si Ginang Sarmiento. Aniya, “those who did not pass the requirements may be entitled to non-monetary reparation which includes scholarship program and assistance from Department of Social Welfare and Development (DSWD).”

Sinuportahan ito ni human rights chair Loretta Ann ‘Etta’ Rosales: “Non-monetary reparations should be provided for alleged claimants who cannot provide evidence.”

Naglaan ang pamahalaan ng P10 bilyon para sa mga claim at kailangan ipamahagi ito bago 12 May0 2018 sa pagwawakas ng termino ng Claims Board.

So, karipas sa pag-claim ang mga claimant… at sa mga hindi pumasang aplikante, hindi na pera ang ibibigay.

Aba, para palang pera o kahon…

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tract Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *