Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI Intel strikes again!

DAHIL sa magandang tambalan ni NBI director, Atty.  Dante Gierran at deputy director CPA Eric Distor ay sunod-sunod ang kanilang huli.

Maganda kasi ang leadership ng dalawang opisyal na pawang mga bata ni Pangulong Duterte.

Masigasig sa paglilibot si Gierran sa NBI regional office para sa mga project niya na NBI clearance satellite.

Ang NBI Intel ay nakahuli ng mga tulak sa droga sa isang fishpond sa Hagonoy, Bulacan na pawang magkakamag-anak at nahulihan rin nang higit 10 high powered na baril.

Magaling talaga si Deputy Distor at talagang nagtrabaho nang husto.

Mahigpit kasi ang tagubilin ni Pangulong Duterte kay Director Gierran at Deputy Eric na lansagin ang ilegal na droga sa ating bansa.

Nandiyan din siyempre ang chief of staff ni Deputy Eric na si Atty. Roel Bolivar na perfect tandem niya sa anti-criminality operation.

Keep up the good work Gierran at Distor!

Sila ay pride ng mga taga-Davao.

***

Very proud at puwedeng ipagmalaki si Customs Commissioner Sid Lapeña.

Kahit saan magpunta ay maganda ang feedback sa kanya dahil napakaganda ng ginagawa niya sa BOC.

Special mention nga siya sa turnover ceremonies ni Gen. Bato kay Gen. Albayalde.

Sabi ni Bato ay mentor at paborito niya si Gen. Lapena.

Binalak na mag-resign noon ni Gen. Bato dahil puro harassment ang kaso sa PNP pero ang sabi ni Gen. Lapeña sa kanya: “‘Wag kang bibitaw.”

Diyan makikita na maganda ang record ni kabsat Lapeña. Siya lang ang natatanging taga-Pangasinan na opisyal sa Duterte administration na walang kayabang-yabang sa katawan.

Mabuhay ka kabsat!!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …