Friday , November 15 2024

Chairwoman Ligaya V. Santos ng Bgy. 659-A sa Plaza Lawton kinasuhan na sa illegal terminal

PORMAL nang sinampahan ng kaso ang kinatatakutang chairwoman sa Maynila dahil sa walang pakundangang pagbalewala sa pagtupad ng tungkulin bilang opisyal ng barangay.

Nitong Biyernes, mismong ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na ang nagsampa ng kaso sa tanggapan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin “Bobot” Diño laban kay Ligaya V. Santos, ang kontrobersiyal na chairwoman ng Bgy. 659-A (Zone 71) na sumasakop sa Liwasang Bonifacio, Plaza Lawton.

Si Santos ang ika-8 sa mga opisyal ng barangay na nakasuhan ng “dereliction/neglect of duty” mula nang ilunsad ang kampanya laban sa mga obstuction na pangunahing sanhi ng pagsikip at pagkakabuhol-buhol ng trapiko sa mga panguna-hing lansangan sa Metro Manila.

Ibinase ang pagsasampa ng kaso bunsod ng pagmamatigas  ni Santos na bumabalewala sa ilang ulit na clearing operations na isinagawa ng MMDA laban sa salot na illegal terminal at nagkalat na illegal vendors sa naturang lugar mula pa noong nakaraang taon.

Unang isinagawa ng MMDA ang clearing ope-ration sa naturang lugar noong October 2017 at binalaan si Santos na sasampahan ng kaso oras na hindi mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa paligid ng Lawton.

Pero ilang araw lang ay nagbalik din ang illegal terminal sa lugar na ultimo flyover ay ginawa nang paradahan at pilahan ng mga pampasahe-rong bus at kolorum na sasakyan.

Ilang beses pang nasundan ang clearing operations pero ganoon din karaming beses napatunayang bigo ang MMDA na buwagin ang pinatatakbong negosyo ng sindikatong nagkakamal sa illegal terminal sa Lawton na malaon nang namamayagpag sa barangay ni Santos.

Ang hindi lang maliwanag ay kung magpa-patupad ng order si Diño at ang DILG na suspendehin si Santos kasabay ng isasampang kaso sa Ombudsman.

May mga nagdududang tapos na ang maliligayang araw ng illegal terminal sa pagkakasampa ng mababang kaso na dereliction/neglect of duty laban kay Santos.

Sana, ipaaresto na rin ng MMDA at DILG ang mga kolektor ng hatag mula sa mga sasakyan na pumarada sa illegal terminal sa Lawton at pikit-matang pinapayagan ng mga nakatalaga sa PCP ng Station 5 ng Manila Police District (MPD) at ng Manila City Hall.

Pero mukhang hindi interesado ang MMDA at DILG na tumbukin kung kanino ini-entrega ng mga kolektor ang araw-araw na koleksiyon mula sa kita ng illegal terminal at illegal vendors sa Lawton.

Kung sa kabila ng kaso laban kay Santos ay magpatuloy pa rin ang obstructions at ang salot na illegal terminal sa kanyang barangay, ano ang gagawin ng DILG?

Itutuloy pa rin kaya ng MMDA ang pagsasagawa ng clearing operations sa Lawton sakaling patuloy na magmatigas si Santos?

‘Yan ang ating susubaybayan!

SI ‘SALLY’ ANG UTAK
NG ILLEGAL TERMINAL

DAHIL sa limpak na salapi mula sa illegal terminal,  maraming nguso ang namamantikaan kaya’t mahirap paniwalaang nagwakas na ang ilegal na negosyo sa teritoryo ni Santos.

Sakaling hindi alam ng MMDA at DILG, nasakop na rin ng sindikato sa likod ng illegal terminal sa Lawton ang kalapit na barangay ng 659-A sa Intramuros.

Ang extension ng illegal terminal sa Intramuros ay nasa kanto ng kalye Recoletos at Burgos, tapat mismo ng Manila City Hall.

Kilala ba ng DILG at MMDA kung sino si ‘Sally,’ ang kinatatakutang utak na nagpapatakbo ng illegal terminal sa Lawton?

Si ‘Sally’ ay balitang nagbago ng kanyang anyo sa hindi malamang dahilan.

Hindi tiyak ng ating impormante kung si Sally ay umaarte lang na may karamdaman kapag nasa harap ng publiko para kaawaan.

Pero imbes na kaawaan sa kanyang bagong anyo, ay katatakutan daw ang itsura ni Sally — as in, SA LI-kod na lang ang buhok.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *