Thursday , December 26 2024

Monopolyo sa transport network vehicle (TNVs) dapat putulin habang maaga

HINDI pa man lubusang natitigil ang opera­syon ng Uber, isang kompanya ng transport network vehicle (TNVs) dahil ipinagbili na nga sa Grab, kakompetensiyang TNVC, ang kanilang prankisa, heto’t kabi-kabila na ang natatanggap nating reklamo ng pang-aabuso.

Parang ‘zombie’ na bumabangon ang mga dating reklamo laban sa mga taxi driver sa TNVC ngayon.

Unang pang-aabuso, mataas na surcharge ng Grab. ‘Yung surcharge po ay ‘yung dagdag pasahe sa regular rate kapag mataas ang demand ng pasahero. Sinasamantala ito ngayon, kasi nga wala nang kakompetensiya ang Grab.

Ikalawa, kukunin ng Grab ang pasahero pero kapag biglang pumasok ang request na mas malayo at mas malaki ang pasahe, ika-cancel ang unang pasahero.

Sa Uber, kung sino ang unang nag-cancel, pagmumultahin ng P100. Sa Grab walang ganoong sistema.

Sa Uber, hindi malalaman ng driver ang destinasyon at halaga ng pasahe hangga’t hindi niya naisasakay ang pasahero at hindi inuumpishan ang biyahe.

Sa Grab, hindi pa nakukuha ang pasahero, alam na ng driver kung saan pupunta at magkano ang aabutin ng pasahe.

Noong umiiral pareho ang Uber at Grab bilang magkakompetensiyang TNVC, masidhi ang pakikipagkompetensiya ng Grab. Pero ngayong malapit nang mawala ang Uber at sosolohin na ng Grab ang sistema ng TNV, lumalabas na ang sungay ng Grab drivers.

Wattafak!

Nawalan na naman ng proteksiyon ang TNV passengers. Ano ang gagawin ng LTO at LTFRB?! Kaya ba nilang disiplinahin ang TNVCs?!

Huwag na ‘yung LTO at LTFRB, ‘yun bang mismong TNVC ay kayang displinahin at suhetohin ang kanilang franchise holders?!

Anyway, sa totoo lang, kaya lang naman ito pinoproblema ng mga pasahero dahil ‘bulok’ nga ang mass transportation system sa bansa.

Kung maayos ang land transportation system sa bansa, hinding-hindi yayabong dito ang TNVC.

Hintayin ninyong magtagumpay si Transport Secretary Art Tugade sa mga proyekto at assignment na iniatang sa kanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, tingnan natin kung may tumangkilik pa sa mga abusadong katulad ninyo?!

Hindi ba’t ganyan ang nangyari sa taxi industry. Grabe ang abuso sa pasahero, hayan nang pumasok ang TNVCs, nangamote sila.

Unsolicited advice lang sa Grab, huwag ka­yong abusado!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *