Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang mga tirador ng luxury cars sa Customs na sina alyas Modi at Boy Tattoo

GRABE na ang ginagawa nina alyas Modi at Boy Tattoo sa mga raket na pagpapalusot ng luxury cars sa Customs.

Mukhang nababoy nila nang husto ang Aduana sa pamemeke ng ATRIG (authority to release imported goods) kasabwat ang isang alyas Aling Nity na dinaraanan ng kotse.

Si alyas Modi ang tirador at sobrang yaman na at ang mga ka-deal niyang luxury cars importer mula Dubai.

Daang milyon ang diperensiya (misdeclaration) ng kanilang pinapapasok na Landcruiser, Range Rover, Camaro, Benz at iba pang sports cars.

Isa umano sa mga consignee na ginagamit ng grupo ang Gamma Gray.

Ito ang dapat paimbestigahan ni Customs Commissioner Sid Lapeña at ni BIR Comm. Dulay!

***

Si Deputy Director Eric Distor ng NBI Intelligence ay pinuri kamakailan ng homeland security ng America. Kaya magdo-donate sila ng mga apparatus para lalo pang palakasin at mahuli ang mga kriminal sa ating bansa.

Humanga kasi ang mga Kano kay Deputy Director Distor dahil iba siyang magtrabaho, talagang hard working official ng NBI.

Keep up the good work sir!

***

Na-recover na agad ni Commissioner Isidro Lapeña ‘yung pinuslit na tiles sa Asean Terminal Inc.

Actually, walang opisyal ng Customs na maglalakas ng loob ang makikipagsabwatan sa broker para ipuslit dahil takot sila.

Kaya ang may kasalanan dito ang ATI at ‘yung alerting office manual or computer kasi sila ang nagpipindot kaya walang kasalanan and POM District office.

Dapat imbestigahan mabuti ng NBI ang broker at ATI.

Managot ang dapat managot!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …