Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SOJ Sec. Aguirre walang kasalanan

SA nakita natin sa absuwelto ng mga drug lord na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa et al ay mukha talagang nagkulang ang ebidensiya kaya nagkaroon ng butas ang kaso.

Pero kung may pagkakamali ang mga prosecutor ‘di ba dapat sila ang managot?

Wala nang kinalaman si Secretary Aguirre d’yan.

Kaya nga agad nagpalabas ng department order si Secretary Aguirre sa NBI na imbestigahan ang mga prosecutor at isama rin ‘yung d­alawang nag-review na si Asst. State Prosecutors Michael John Humarang  at Aristotle Reyes at Senior Deputy State Prosecutor Rassendel Gingoyon.

Seryoso talaga si Secretary Aguirre na paimbestigahan ito dahil siya ay galit sa mga druglord.

Ito na lang, do you think gagawa siya ng hokus-pokus  na alam niyang matindi ang galit ni Pangulong Digong sa droga?

Hindi pa naman final ‘yan at may petition for review pa kaya marami pang paraan na maitama ang ksaong ‘yan.

Sinakyan lang ng mga kritiko ni Pangulong Digong at mga nag-a-aspire sa posisyon ni Aguir­re na si letter C. B.  at U. Mga gahaman sa posisyon at ‘yung isa riyan ay atat na atat na maging SOJ.

***

Palagay ninyo sino ang kumikita sa Immigration nang malaki sa mga shipping line na hindi na pinapasok sa kaban ng bayan? Araw-araw, may cruise ship na dumaraong, at ang lakas kumita ng isang alyas Maro ng Immigration.

Ang sinasandalan daw kasi nito ay isang presidential  adviser. Matigas daw at naka-rolex pa na original. Rolex ko nga class A lang.

Hehehe!

Paging Ombudsman!

***

Congratulations kay NBI Deputy Director for Intelligence CPA Eric Distor dahil sa sigasig nila ay nahuli ang remnants ng Abu Sayaff na tero­rista at mga pekeng PDEA agents.

Madalas makitang pagod na pagod sila sa trabaho at doon na halos natutulog sa opisina para pangunahan ang briefing sa mga sensitibong operasyon ng NBI.

Da best ang intel ng NBI.

Mabuhay ka Sir Eric!

God bless us all.

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …