Monday , December 23 2024

P15-M Range Rover Evolution ng solon nailusot ba sa BOC?

MUKHANG isa sa dahilan na ikinagalit kay dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ang nasabat na mamahaling Range Rover ng isang mambabatas sa Norte.

Akala mo kung sino si Cong at ang katropa niyang mamabatas sa House of Representatives sa pagdidiin kay Supreme Court (SC) Chief Justicde Ma. Lourdes Sereno sa Toyota Land Cruiser samantalang wala pala ito sa ka-lingkingan ng nasabat na Evolution ng mambabatas na nasabat sa Customs.

Nasabat ang P15-M Range Rover Evolution ni Cong dahil sa misdeclaration para dayain ang gobyerno sa buwis.

Idineklarang Land Rover para imbes na P5-M ay bumaba sa P1.5-M lang ang buwis.

Ang hindi natin alam kung nailusot na ni Cong sa Customs ang sasakyan na tinangka niyang ipuslit.

Abangan!

PASAGASAAN DIN
SA PISON ANG MGA UNANG
NAIPUSLIT NA HUMMER
SA PORT IRENE

MASUSUNDAN pa ang isinagawang pagdurog sa 14 na high-end at luxury vehicles na pinangunahan ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte noong nakaraang Miyerkoles sa Port Irene, Cagayan.

Sa susunod ay 30 units ng Hummer H2 at H3 na kabilang sa mahigit 800 puslit na sasakyan sa Port Irene ang nakatakdang pasagasaan sa pison ng the Cagayan Economic Zone Authority (Ceza).

Maraming high-end at luxury vehicles tulad ng Hummer H2 at H3 na inilusot sa Port Irene ang nakikitang bumibiyahe sa mga lansangan na si­guradong dispalinghado ang mga dokumento na dapat kompiskahin.

Hindi bayad ang mga ito ng tamang buwis pero nairehistro sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa sabwatan ng mga tiwali sa Customs at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sana ay isama rin ng CEZA sa ongoing program nila ang pagpisak sa mga unang naipuslit na Hummer at luxury vehicles sa Port Irene.

Kaya lang, baka magulat si Lambino kapag nasabat ang H2 at H3 Hummer na tulad niya ay appointee rin pala ni Pres. Digong ang guma­gamit.

 

KADUDA-DUDANG
SUNOG SA MANILA
PAVILION

APAT ang patay at 10 ang napaulat na sugatan habang nasusunog ang Manila Pavilion hotel sa kanto ng UN Ave. at M. Orosa St. sa Ermita, kahapon.

Ang  nasunog na hotel ay pinatatakbo ng kompnyang Waterfront na pag-aari ng pamilya ni William Gatchalian, ang tinaguriang “Plastic King” sa Bureau of Customs (BOC) noong administrasyon ni yumaong Pang. Cory Aquino at ama ng naghaharing “political dynasty” sa Valenzuela City na sina Sen. Sherwin, Mayor Rex at Rep. Wesley Gatchalian (1stDist.).

Kailangan ang masusi at malalimang imbestigasyon sa kaduda-dudang sunog.

Sina Mark Sabido at Joe Cris Banang, kapwa empleyado at nakatalaga pa man din na mga CCTV operator ng hotel ay kabilang sa mga idineklarang “missing persons” o nawawala.

May isip ba ang  apoy para pumili ng ida-damay sa sunog?

Aba’y, kung ‘di ba naman matalinong apoy ‘yan, sa dinami-rami ay kung bakit ang isang hotel pa na hindi kumikita ang napiling sunugin.

Marami nang kaso sa nakaraan na karaniwang ginagamit na “collateral damage” sa sunog ang testigo na posibleng may nalalaman sa modus na “arson for insurance” para walang kumanta.

Medyo matagal nang tapos ang kontrata ng casino sa sinunog, este, nasunog na hotel kaya’t nawala ang malaking kinikita sa ibinabayad na upa sa kanila ng Philippine Amusement and Ga­ming Corruption, este, Corporation (as in PAGCOR).

Balita noon, ang ipinambayad umano sa pagbili ng Manila Pavilion ay galing din sa isinukang advance payment ng PAGCOR para sa upa ng casino sa Waterfront.

Kumbaga, ang naging cash-sunduan, este, kasunduan ay lutuin ang gobyerno sa sarili nitong mantika at walang ipinagkaiba sa makasaysayang Army and Navy Club (ANC) malapit sa U.S. Embassy na basta giniba para pagtayuan ng casino.

Hindi biro ang bilang ng mga nasawi at napinsalang tao sa sunog na ‘yan kaya dapat lang imbestigahan, kahit pa sa bandang huli ay ma-areglo ang mga biktima.

Saan naman kaya malilipat ang “El Rey,” isang bar sa Manila Pavilion na gabi-gabi ay paboritong tambayan ng pusakal na politikong lasenggo at mandarambong?

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *