SIYA raw ang kumokontrol ngayon sa lahat ng players sa Bureau of Customs at ang paboritong tambayan daw nito ay sa mga sulok-sulok sa Port of Manila (POM) at ang Law division ang kanilang lugar ng bayaran.
May sarili silang brokerage at isa sa kasos-yo ay isang alyas Mike.
Sila ang nagpapatawag ng customs examiners at appraisers ‘pag may hotraba na ipapagawa.
Si alyas Talex ang troubleshooter at taga-kumpas at si Mike naman ang nagkokontrol sa brokerage nila.
Hindi lang natin alam kung kasabwat ang isang opisyal sa POM na may bagong Land Cruiser. Pati ‘yung partner niya ay bago rin ang Land Cruiser.
Alam naman natin na kung tumirada ang grupo na ito ay malalalim na trabaho.
Ang affinity daw ng isa sa consigneee na ginagamit nito.
Kasama rin pala sa sindikato ang isang alias Niebs Tabatsoy.
Si Talex ay simple lang magkikilos, pasiga-sigarilyo sa sulok ng POM building, kunwari walang alam sa raket nila pero ang tindi nito akala mo tahimik pero tirador pala!
Dapat talaga, paimbestigahan ni Comm. Lapeña ang mga trabaho nina alyas Talex, Mike at Niebs!
CONGRATS BoC
Binabati ko ang Bureau of Customs (BoC) sa pangunguna ni Comm. Isidro Lapena sa napakaganda nilang collection performance ngayon February.
Napakasipag ni Lapeña sampu ng kanyang mga tauhan at sa history ng BoC ay ngayon lang nangyari ito na lumampas sila sa kanilang target collection.
Talagang maasahan lahat ng district collectors at dahil sa kanilang kasipagan at serbisyo publiko, nakamit nila ang minimithing target collection.
Wala tayong maipupuna sa kanila dahil lahat ay ginawa nila ang kanilang makakaya kasama na rito ang mga hindi nakaabot ng collection target na ports dahil alam natin na mahina sa kanilang port sa buwan ng February kagaya sa NAIA pero tumaas pa rin naman ang kanilang collection.
Maasahan lahat ang collectors at naniniwala tayo na mas lalong tataas ang kanilang collection sa mga susunod na buwan.
***
Congratulations sa Port of Manila sa Pangunguna ni Atty. Vener Baquiran dahil bukod sa nakamit nila ang kanila collection target ay nakahuli pa sila ng misdeclared goods kagaya ng sigarilyo at paputok.
Subok na rin kasi si Atty. Baquiran sa ser-bisyo publiko and they are working hard for the government.
Kagaya rin sa Manila International Container Port sa pangunguna ni District Collector Balmerson Valdez na maasahan sa lahat.
Talagang noon pa man ay magaling at masipag siya bilang isang opisyal na napaka-low profile kaya naman marami ang humahanga sa kanya.
Congrats sa inyong lahat sa POM at MICP!