Monday , December 23 2024

Amendatory power inabuso ng Kongreso sa Republic Act 8042

DALAWANG ulit nilabag ng Senado at Kamara ang Konstitusyon nang kanilang amiyendahan ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Ginamit ng mga mambabatas ang kanilang “legislative power” na amiyendahan ang Republic Act 8042 upang lokohin ang sambaya­nan, partikular ang mga kababayan nating OFW.

Labag sa Saligang Batas ang pagkakagamit ng Senado at Kongreso sa kanilang “amendatory power” upang pagtakpan ang malaking krimen sa panahon ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo laban sa mga OFW at mamamayan na nag­luklok sa kanila sa puwesto.

Taong 2000 pa ay wala nang mandato ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magpatuloy bilang mga ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

UNCONSTITUTIONAL
AMENDMENTS SA RA 8042

ANG “abolition” o pagbuwag sa POEA at OWWA ay itinakda sa Sec. 39 at Sec. 40, limang-taon matapos maging ganap na batas ang RA 8042 noong 1995.

Ayon sa batas, sa loob ng isang-taon ay dapat makabuo ang DOLE ng ipatutupad na tuntunin sa abolition o pagbuwag ng dalawang nabanggit na ahensiya.

Pero sa kabila nito, ilegal na ipinagpatuloy ng POEA at OWWA ang kanilang “regulatory function” at ang pangingikil ng salapi mula sa mga OFW sa loob ng 7-taon nang wala silang “mandate” hanggang magsabwatan ang Senado at Kamara na amiyendahan ang RA 8042.

Taong 2007 unang ‘dinoktor’ at sinalaula ng mga nagsabwatang mambabatas ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 na lumikha naman sa RA 9422.

Hindi pa sila nasiyahan, kaya noong March 2010, ang batas ay muling binaboy, ‘este, binago at ngayon ay RA 10022 naman ang tawag.

PANGINGIKIL
NG POEA AT OWWA
SA MGA OFW

IBIG sabihin, sa loob ng 7-taon (2000-2007) ay ilegal na nangikil ng salapi ang POEA at OWWA mula sa dugo at luha ng mga kababayan nating OFW na umaalis ng bansa.

Kada OFW ay kailangan sumuka ng halagang hindi bababa sa halagang P8,855.00 para sa POEA processing fee: P200.00; OWWA contribution: P1,275.00; Medicare: P900.00; at OWWA insu­rance na $144.00, depende sa umiiral na halaga ng palitan ng dolyar sa piso. Ayon mismo sa website ng POEA, umaabot daw mula sa 3,000 hanggang 4,000 ang umaalis na OFW araw-araw.

Ang tanong: Sa loob ng 7-taon pa lamang na kuwentahan, magkano ang nakolekta nila at sino-sino ang kumita at naghati-hati sa koleksiyon ng POEA at OWWA?

Hindi ba ‘yan ay maliwanag na ‘estafa’?

Santisima!

***

JOHN FLORES – “Salamat Sir Percy sa maliwanag na ibinulgar mo patungkol sa tahasang katiwalian ng gobyerno laban sa mga mamama­yan nito! Ipagpatuloy mo lang sana na matutukan ito para lalong uminit at kung kailangan ay manawagan sa mga former and present OFW na kalampagin ang POEA at tanungin. Ano pa nga ba ang ginagawa nila sa opisinang hindi naman umiiral? Maraming salamat at sana ay humaba pa uli ang iyong time-slot sa radio!”

***

JAY – “Congrats! Napahanga mo ako, akala ko noon puro kalaban lang nina Mayor Lim ang tinitira mo, ‘di pala. Nu’ng natuklasan mo ‘yung batas, which is MIGRANT WORKERS ACT OF 1995 (RA 8042), ikaw lang ang nakadiskubre ni­yan. But the thing is, sino magpapanagot sa kanila? ‘Di ko na pahahabahin, sasama ako kung sakaling maglulunsad ka na ng protesta. God bless and more power to your program! I am Jhay from Pampanga, a law student.”

***

ROMEO CUA – “Natumbok mo ang Republic Act #8042 – Migrant Workers & Overseas Filipinos Act 0f 1995. Mabuhay ka!”

***

LINDA VALDEZ (OFW) – “Maraming sabit dito, Sir Percy. Just asking, Senator si P-Noy those times, ibig sabihin ‘di n’ya nalaman ‘yun? Kagaya naming mga OFWs na ngayon lang namin nalaman ‘yan! Thanks sa ‘yo Ka Percy, susundan namin ‘yang issue na ‘yan.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

 

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *