Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
deped

New cut-off age para sa Grade 1 sa private schools lang — DepEd

TANGING private schools lamang ang sakop ng bagong cutoff age para sa Grade 1 level, pahayag ni Department of Education Undersecretary Tonisito Umali.

“Ang pinag-uusapan lamang natin dito ay ‘yung mga mag-aaral sa pampribadong paaralan dahil sa atin pong mga pampublikong paaralan, kasado na po ‘yan,” paliwanag niya. “Okay na po tayo sa public schools.”

Sinabi ni Umali, ang age requirement  ay  kailangan dahil ilang private schools ang hindi sumusunod sa cut-off date para sa Kindergarten, ayon sa isinasaad sa Republic Act 10157 o Universal Kindergarten Bill.

“Nagkakaproblema po sila pagdating ho ng Grade 1 kasi po may requirement po kami na dapat naka-enrol po ‘yan sa aming Learner’s Information System para makakuha po ng unique number ‘yung bata,” aniya.

“When they try to enroll the name of the child ay hindi po sila makakuha dahil the system is designed in such a way na kapag ang bata ay nag-pass ng August 31st, ay made-deny po ‘yung application nila,” patuloy ni Umali.

Mula noong 1 Hunyo 2017, ang age requirement para sa kindergarten itinakda sa 5-anyos.

Itinatag ng RA 10157 ang kindergarten education bilang bahagi ng basic education at inisyal na ipinatupad noong school year 2011 hanggang 2012.

Tanging ang mga batang may gulang na anim o patungo sa 6-anyos bago ang 31 Agosto 2018 na may Learner’s Reference Number (LRN) makaraan makompleto ang Kindergarten, ang maaaring mag-enroll sa Grade 1 sa ilalim ng nasabing patakaran.

Ginawa ni Umali ang paglilinaw makaraan magpahayag ng pangamba ang mga magulang ng mga batang nagtapos ng Kindergarten na maaaring hindi makapasok ang kanilang anak sa Grade 1 sa nalalapit na school year.

“‘Yan po ay binase sa pag-aaral, at madali naman pong i-validate ‘yan whether the age that we are talking about here is the same age not only in the Philippines, but in other countries, ganyan po talaga ‘yan,” aniya.

Paliwanag pa ni Umali, ang department order na nagbago sa minimum age para sa Grade 1 ay ibinase sa “stage of development” para sa nasabing age group at kung paano nila mauunawaan ang modules para sa nasabing grade level.

Aniya, ang mga magulang na may mga anak na na-miss ang cut-off date ng ilang araw ay maaaring kontakin ang DepEd para sa impormasyon.

(ROWENA DELLOMAS-HUGO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rowena Dellomas-Hugo

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …