Tuesday , November 5 2024

Pulis-Adriatico naghahanap ng sakit ng ulo?!

MUKHANG naiinip na ang mga ‘kamote’ sa PCP Adriatico sa ilalim ng Malate Police Station (PS9) ng Manila Police District (MPD).

S/Supt. Eufronio Loyola Obong, Jr., alam ba ninyo kung ano-ano ang mga aktibidad ng mga lespu ninyo?

Alam din kaya ni Adriatico PCP commander, S/Insp. Jonar Cardoso na mayroon siyang apat na pulis na kung makaasta ay parang mga berdugong Hapon noong World War II?

Ayon sa ilang customer ng isang resto/bar na nasindak sa asta ng apat na pulis na nagpakilalang mga taga-Adriatico PCP, nagulat sila na habang kumakain sila ay tumuntong sa isang silya ang pulis nang hindi man lang nag-excuse.

Sonabagan!

‘Yung apat na lespu na biglang pumasok sa isang resto/bar na kontodo de armas ay wala man lang pasintabi sa management.

Dahil armado sila, sino ang maglalakas-loob na sitahin sila sa pagsampa nila sa silya?!

Kernel Obong, ang alam nating iniutos ninyo sa mga lespu ninyo ‘e sitahin ang mga nagtatagayan sa kalye at hindi ang pumasok sa mga establisiyemento na maayos na nag-eestima ng kanilang mga custo­mer.

E bakit biglang pinasok ng apat na lespu ni Kapitan Cardoso ang isang establisiyemento at sinabing may naghagis umano ng bote?!

Wattafak!

E kung may naghagis nga ng bote, e ‘di ang unang tatawag ng responde ng pulis ‘yung management ng resto/bar.

Masyadong adelantado ang mga lespu ni Kapitan.

Kernel Obong Sir, ilan na kayang establisyemento ang nabiktima ng mga lespu ng Adriatico PCP?!

Paki-monitor naman… mukhang may ibang ‘layunin’ ang kanilang pagbisi-bisita sa mga resto/bar.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *