Saturday , November 16 2024

Filing of SALN na naman!

ANG bilis ng panahon talaga, submission na naman pala ng taunang sworn Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) para sa calen­dar year 2017.

Sigurado, marami na naman ang aligaga at maa-alarma kada aabot ang umpisa ng taon dahil hindi malaman kung paano idedeklara at i-justify ang kanilang mga yaman at ari-arian.

Tiyak rin umano na darami ang mga sinungaling kada dumarating ang panahong ito.

Hehehe…

Gaya na lang ng maraming Immigration Officers (IOs) na tinatawag na novatos o ‘di kaya ‘yung pumasok sa Bureau na parang pinabili lang ng suka sa tindahan ng nanay nila.

Matapos ang ilang taon sa BI ay umaariba na agad sa kalsada gamit ang kanilang naggagandahang SUV o ‘di kaya naman ay kotse na amoy galing pa sa casa!

Nandiyan din sa panig ng mga kababaihan ‘yung mahilig rumampa na akala mo ay “mowdels” ng isang fashion magazine habang suot ang kanilang LVs o ‘di kaya ibang signature brands of bags, sapatos o alahas.

Susmaryosep!

Sa panig ng mga tinatawag na “titos and titas” sa gobyerno, medyo “passe” na sa kanila ang pumorma o rumampa at ‘di na sila fashion conscious sabi nga.

Ang concern nila ay ‘yung kanilang condo, apartments, farm, resorts, hacienda at paminsan-minsan ay travels sa ibang bansa.

Huwaw!

Life of the rich and famous after their retirement as they may say…

Pero gano’n talaga ang buhay, halos iisa lang din naman ang likaw ng bituka ng mga nasa gobyerno.

Mayroon talagang mapapalad. Mayroong hindi pinalad. Nandiyan din ‘yung mga tinatawag na madiskarte. Pero mas marami pa rin ang nagti­yaga na lang sa tinatanggap na suweldo o sahod kaya naman inabot ng retirement pero walang ipinagbago ang buhay nila.

Tsk tsk tsk…

Well, wala naman tayong masamang tinapay kung saan kayo nalilinya sa mga kategoryang ‘yan. Just make sure na maging sincere lang sa pagdedeklara ng mga naipon at hard-earned money ninyo.

Kung ma-justify naman lalong walang problema.

So, sa darating na April 15 don’t forget to submit your SALN at pagkatapos daan na lang kayo kay “father” at mangumpisal na rin kayo!

Hehehe…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *