Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Bakit tahimik si Pia?

KUNG maingay na ngayon ang ilan sa mga politikong inaasahang sasabak sa 2019 senatorial race, nakapagtataka naman kung bakit si dating Senator at ngayon ay Taguig Rep. Pia Cayetano ay mukhang napakatahimik.

Totoo bang hindi interesadong tumakbo si Pia bilang senador sa darating na midterm elections?

Marami ang nagtataka kung bakit tahimik si Pia samantala ang ilan niyang dating kasama­han sa Senado at mga kasamahan ngayon sa Kamara ay patuloy na sa pag-iikot sa mga pro­binsiya at maingay na rin sa media.

Nakalulungkot dahil masasabing isa si Pia sa magagaling na senador at kung makababalik lang siya sa Senado ay maipagpapatuloy niya ang kanyang mga naumpisahan at isinusulong na mga kapaki-pakinabang na mga batas.  Hindi na kailangang maghalal pa ng kung sino-sinong politiko na kung tutuusin ay walang karapatan maging senador ng bayan.

Kaya nga nagmumukhang kengkoy tuloy itong si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel nang pangalanan niya ang kanyang mga kasamahan sa PDP-Laban na nagbabalak tumakbo bilang senador sa darating na eleksiyon.

Parang pambarangay lang ang dapat na samahan ng mga tinukoy na politiko ni Koko. Hindi pang-national ang kalibre nila.  Sayang at nag-aaksya lamang si Pimentel sa kanyang senato­rial slate sa PDP-Laban.

Kung tutuusin nga, mismong si Koko ang malaki ang problema sa darating na halalan dahil malaking isyung legal pa rin ang pagkapanalo niya sa kanyang protesta laban kay Senator Juan Miguel Zubiri noong Agosto 2011.

Hindi pa malaman kung pinapayagan ba siya ng batas na tumakbo sa darating na eleksiyon o hindi na.

Maganda ang magiging laban ni Pia kung sakaling tatakbo siyang muli sa pagkasenador. Makakasabay niya sina Senator Grace Poe, Nancy Binay, Cynthia Villar, Bam Aquino, Sonny Angara at JV Ejercito.  Bukod sa tatlong babaeng reelectionist sa Senado, makakasabay din ni Pia sina Ilocos Norte Governor  Imee Marcos, Mocha Uson at Gina Lopez na maingay din ang mga pangalan para sa senatorial race.

Pero hindi natin mapipilit kung talagang hindi tatakbo si Pia sa darating na midterm elections. Mukhang nagsawa na siya sa politika at hindi na nagpaparamdam kung ano ang kanyang mga balakin para sa taongbayan.

Sayang si Pia, higit kasing lalakas ang grupo ng mga babaeng senador kung mapapabilang sa mga inaasahang mananalo sa darating na halalan.

Isa rin itong malaking boost sa sektor ng mga kababaihan kung maraming mambabatas na babae ang maihahalal.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *