SPEAKING again of Kalibo International Airport (KIA), ano itong nabalitaan natin na isang pasaherong Koreana ang namatay dahil sa matinding congestion sa nasabing airport?
Si Ko Wook Kyeung, isang Korean national ay bigla raw nanikip ang paghinga at inatake sa puso habang binibigyan ng first aid sa loob ng clinic ng nasabing airport.
OMG!
Hindi raw natagalan ng Koreana ang teribleng init sa paligid at loob ng KIA kaya raw unti-unting hinimatay kasunod ng cardiac arrest.
Wattafak!?
‘Yan na nga ba ang sinasabi natin noon pa sa airport na ‘yan.
Sobrang sikip at sobrang congested na hindi naman talaga kaya i-accommodate ang libo-libong mga pasahero.
Ilang ulit na natin tinatawag ang pansin ng pamunuan ng CAAP diyan sa KIA pati na rin ni CAAP DG Jim Sydiongco na huwag nang magbigay ng landing permit sa iba pang mga eroplano na gustong lumapag doon.
Pero palibhasa matigas ang kukote ng kasalukuyang airport manager doon at hindi alintana ang hirap na dinaranas ng mga pasahero na karamihan ay mga turista mula sa ibang bansa.
Huwag tayo magtaka kung may mga susu-nod pang matodas s a nasabing airport dahil ilang beses na akong dumaan diyan at nakita ko na hindi sapat ang airconditioning system nila para palamigin ang pasilidad!
Talagang mamamatay sa init at inis lalo ang mga bata at matatanda.
Isipin na lang na hindi bababa sa 10 libong pasahero ang dumarating araw-araw sa nasa-bing airport at tila “wapakels” si Kalibo CAAM Efren Nagrama sa hinaing ng concerned citizens sa KIA!
DOTr Secretary Arthur Tugade, baka po kinakailangan na kayo mismo ang mag-inspect ng kasalukuyang airport at i-check kung bakit pa-tuloy ang pagbibigay ng landing permits sa mga eroplano kahit hindi kayang i-accommodate pa?!
Paki-check na rin kung kaya pang i-handle ng kasalukuyang manager ng KIA ang pagpapatakbo ng airport na ‘yan!
MAY NGUMANGAWNGAW
SA LAST PROMOTION
HINDI pa man lumalabas ang huling promotion ng mga bagong Senior Immigration Officers at Immigration Offixer ‘este Officer III ng BI ay sanrekwang reklamo na ang naririnig tungkol sa mga aplikanteng hindi pinalad makakuha ng nasabing items.
Karamihan umano riyan ay ‘yung mga nasa-nay na kada na lang may promotion ay parang mga hyena na takaw na takaw sa karne na puwedeng lantakan!
Sonabagan!
Hindi ba nila matanggap na pagkakataon at panahon naman ngayon ng iba?
‘Yung iba naman, ang sabi-sabi ay kasalukuyang ‘bata’ ng ilang hepe na hindi napagbigyan kaya katakot-takot na ngawngaw ang pinakakawalan.
Gaya na lang ng isang IO na kilala bilang kaanak ng isang dating politiko.
Noon daw kasing nakapuwesto ang kanyang erpats ay parang humihingi lang ng kendi kung sungkitin ang item na matipohan.
Susmaryosep!
Namihasa naman si pards?!
At ngayon naman, biglang lumamlam ang political career ni ‘papa’ kaya talagang disgusted ang mama ‘este ang ate, ay ano ba talaga??
Kaya naman nang malaman niya na hindi siya mapo-promote ay kontodo reklamo siya na parang nahulog sa kabayong inaangkasan!
Ganern?
Dapat pala kay Leon Guerero umangkas ‘yan para ‘di nahulog!
Sad to say, ganyan talaga ang trend sa kahit saang sangay ng gobyerno.
Dapat flexible ka.
Kung alam mo na ikaw ay hindi “in” ngayon sa kasalukuyang administrasyon. Matuto kang makisayaw kung ayaw mong mawala sa limelight.
Dapat pagbaliktad ng ikot ng mundo lagi kang kasama para hindi ka maiwan sa pansitan.
Kahit itanong mo ‘yan kay Ms. Mati.
I‘m sure expert siya riyan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap