GUMAWA ng kasaysayan ang House of Representatives Committee on Population and Family Relations nang isumite ang divorce bill para sa plenary deliberation sa unang pagkakataon.
Inaprobahan ng komite ang substitute bill na nag-consolidate sa lahat ng mga panukala na naglalayong i-legalize ang diborsiyo at paglusaw sa kasal.
Inaprobahan ng komite ang substitute bill makaraang ay i-transmit ng techical working group, sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman, may akda rin ng Reproductive Health Law sa 15th Congress.
“You recall ‘yung reproductive health bill, gusto nila palitan ng res-ponsible parenthood. We married the 2 proposals and now it’s known as the Reproductive Health and Responsible Parenthood law,” aniya.
Sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Emmy de Jesus, iginiit nila ang paggamit ng salitang “divorce” sa gitna ng pangamba ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaring may mga sektor na tututol sa nasabing salita.
“Technically naman talaga, ‘yung konsepto ng diborsiyo, nagpapawala ng bisa ng kasal pero ang paggamit ng salitang divorce ay isang pag-aangat din ng kamalayan ng publiko na tanggapin na ‘yung salitang divorce,” aniya.
Habang paliwanag ni Lagman, ang isa pang isinama sa panukala ay opsiyon ng pagbabayad ng alimony nang isang beses o periodically.
“Most probably, this would depend on the means of the spouse who’s supposed to give alimony and also the needs of the recipient,” aniya.
HATAW News Team