Friday , November 15 2024

Smuggled luxury vehicles na pinasagasaan sa pison por kilo ibebenta ng BOC

NAKAPANGHIHINA­YANG ang mahigit P61 milyong halaga ng smuggled secondhand luxury vehicles na winasak ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang linggo.

Sa utos ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte, pinasagasaan sa pison ang mga nasabat na sasakyan, ilan diyano ang mamahaling Lexus ES300, BMW Alpina, BMW Z4 at Audi A6 Quattro.

Mas minabuti pa ni Pang. Digong na ipabuldoser ang mga sasakyan dahil kalimitan, sa mismong smugglers din na nasa likod ng mga nasabat na kargamento napupunta ang kanilang mga ipinupuslit.

Ito ay dahil sa pakikipagsabwatan ng mga tiwaling opisyal at empleyado ng Customs sa mga smuggler na tulad nilang kawatan para walanghiyain sa buwis ang pamahalaan.

Pero tama si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, imbes na ipinasira ay isinubasta na lang ang mga mamahaling sasakyan na nagamit pa sana ng gobyerno ang kikitain sa kapakanan ng mamamayan.

Wala nga naman tayong napala sa ginawang pagwasak sa mga sasakyan na matapos pasagasaan sa pison ay ipinag-utos na ibenta ng por kilo bilang scrap sa magbabakal na junk shop.

Simple lang naman ang dapat gawin ng Customs kung ‘di isubasta sa mataas na halagang katumbas ng presyo ng bentahan nito sa merkado para mapasakamay man ng smuggler ang kanilang ipinuslit ay lugi sila at kumita ang gobyerno.

Halimbawa, kung sa P5-M nabibili ang sasak­yan ay isubasta sa kapareho o mas mababa ng kaunti sa presyo nito upang mabawi ang katapat na duties and taxes na dapat makolekta ng pa­mahalaan, base sa Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP).

Hindi kasi garantiya na pagkatapos pasagasaan sa pison ang mga sasakyan ay kasabay na napatigil na rin ang smuggling.

Katunayan, wala naman kahit isang nakasuhan at napanagot sa mga smuggler na nasa likod ng mga puslit na sasakyan.

 

AUCTION SA CUSTOMS
PURO ‘LUTONG-MAKAW’

ANG solusyon lang naman sa pagsugpo ng smuggling ay mapanagot sa batas ng pananabotahe sa ekonomiya ang mga smuggler at sila ay totohanang kakasuhan para mabilanggo.

Nangyayari ‘yan dahil sa hindi pagsunod ng Customs sa mga batas na dapat ipatupad sa auction o subasta ng mga nasasabat nilang kargamento.

Kung tutuusin, pabor sa mga smuggler na masabat ang kanilang puslit na kargamento dahil mas malaki ang kanilang matitipid sa mga “Lutong-Makaw” na subasta.

May mga pagkakataon pa nga na ipinana­nakaw ng Customs sa mga kasabwat nilang smuggler ang mga nasasabat nilang kargamento na naglalahong parang-bula sa mga yarda ng adwana.

Sa larangang ito eksperto si alyas “Big Mama Castillo” na sumikat sa pagnanakaw ng mga kargamento na nasabat ng Customs.

Kaya naman dapat higpitan ang bantay sa mga Auction and Cargo. Disposal Division (ACDD) ng Customs sa buong bansa kung subasta ang pag-uusapan.

Kabisadong-kabisado ni Congressman Reynaldo Umali na noo’y naging hepe ng Run After The Smugglers (RATS) ang mga katarantaduhang ‘yan sa Customs.

Ingat lang si Customs Commissioner Isidro Lapeña sa mga bolerong tsutsuwa na malimit makitang nakadikit sa kanya. (Tama ba, Gerry ‘Boy Suwerte’ Macatangay?)

Bidang-bida ang pangulo na hindi pinanghinayangan ang pwedeng kitain ng pamahalaan sa mga winasak na sasakyan. . . sa biglang tingin nga lang!

Mahirap kung hahayaan na lang lagi ng kanyang mga inutil at walang-silbing tsutsuwa ang pangulo sa padaskul-daskul na pagdedesisyon.

 

‘PONGA’ NAGPIPRISINTA
SA ANTI-SMUGGLING

Balita pa natin, idinidiga ng numero-unong smuggler sa administrasyon ni Pang. Digong ang paglikha ng isang Task Force o tanggapan kontra smuggling.

Ipiniprisinta umano ng smuggler ang sarili na maitalagang mamuno sa nasabing tanggapan.

Aba’y, tiyak na hindi lang ulo kung ‘di pati ngipin ni Pang. Digong ang pasasakitin ng kumag ‘pag nagkatotoo ‘yan.

Kung sino man ang nagpiprisinta ay siya nga si Ponga, ang tinutukoy nating smuggler.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *