Monday , December 23 2024

Rep. Gwen Garcia sibak sa P100-M Balili property

HINDI pa nga mapanindigan ang basehan sa pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, heto ipinasibak na ni Ombudsman chief Conchita Carpio Morales si Rep. Gwen Garcia ng Cebu dahil sa kuwestiyonableng pagbili ng P100-milyong Balili Property sa Tinaan, Naga, Cebu.

Klaro umano sa dismissal order ang parusang habambuhay na diskuwalipikasyon sa public office, kanselasyon ng eligibility, at tuluyang pagpalis sa  retirement benefits.

Nauna nang ipinahayag ng Office of the Ombudsman sa kanilang press statement kahapon ang  pagsibak kay Madam Gwen.

At inuutusan ni Madam Conchita Carpio si House Speaker Pantaleon Alvarez para ipatupad ang dismissal order.

Ang kaso ay nag-ugat sa propriedad na binili ni Rep. Gwen noong 11 Hunyo 2008 noong siya ang gobernador ng Cebu.

Ayon sa ulat ng Rappler, ito ang 249,246-square-meter Balili property sa Tinaan, Naga, Cebu sa halagang P98,926,800.

Kalahati ng propriedad (196,696 square meters) ay bahagi ng  mangrove area.

Noong Abril 2012, nagsagawa ng public bidding ang local government para sa supply at delivery ng panambak para sa mga nakalubog na lugar kabilang ang mangrove portions. Iginawad ang kontrata sa Supreme ABF Construction.

Dahil ang Supreme ABF Construction ang nag-alok ng pinakamababang presyo, binayaran sila ng provincial gov’t ng P24,468,927.66.

Pero natuklasan ng Ombudsman, na si Garcia ay hindi binigyan ng awtoridad ng Sangguniang Panlalawigan (SP) para makipagkontrata sa ABF Construction.

Klaro umano, ayon sa Ombudsman na nilabag ni Garcia ang Administrative Code of 1987 at ang Government Auditing Code of the Philippines na rekisitos ang certification of appropriation and fund availability bago pumasok sa isang kontrata.

Pero ang rekesitos na ito ay ginawa lang ni Garcia matapos ang ikalawang kontrata.

Noong 2014, inabsuwelto si Garcia ng Court of Appeals gamit na basehan ang Aguinaldo Doctrine.

Ngunit ang Aguinaldo doctrine ay hindi apli­kable sa mga kasong kriminal laban sa elected official.

Magugunitang bilang deputy speaker, si Garcia ay ex-officio member ng makapangyarihang House justice committee, na dumidinig sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Pero ‘yun nga, hindi pa napapatalsik si CJ Se­reno, ‘e nauna pang nasibak si Rep. Gwen Garcia.

Ipatupad naman kaya ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang dismissal order laban kay Rep. Garcia?

O gagayahin ni Speaker Alvarez ang ginawa ni Ombudsman Carpio nang hindi niya ipatupad ang suspensiyon ng Malacañang laban kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang?!

‘Yan ang aabangan natin…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *