BAGO at matapos ang piesta ng Poong Sto. Niño sa Tondo, Maynila, walang nagbabago sa hindi maipaliwanag na namumunining mga saklaan sa iba’t ibang lugar sa Tondo, Maynila.
Marami tuloy ang nagtatanong, hindi na ba ilegal ang sakla sa Tondo?!
Kaya haping-hapi ang mga manlalaro ng ‘sotang bastos’ dahil kahit saang barangay sila mapunta sa Tondo ay nagkalat ang mesa ng sakla.
Dati makikita lang ang mga sakla sa mga burol ng patay.
Ngayon kahit walang pinaglalamayan, mayroong saklaan — 24/7 pa!
Wattafak!?
Ano na ba ang nangyayari si Tondo, Gen. Jigz Coronel?!
Masyado bang ‘sacred cow’ ang mga saklaan na ‘yan kaya kahit ang mga barangay official ay hindi sila mapakialaman kahit nakaharap mismo sa barangay hall?!
Ang husay! Napakainam naman pala ng peace and order sa Tondo, Gen. Jigz?!
Hindi ba naipaaabot sa inyo ‘yan ng mga intelehensiya ‘este mali’ intelligence officers ninyo?!
Subukan n’yo kayang magrekorida riyan sa kahabaan ng Sta. Maria, Yangco, Velasquez at Bangkusay streets Gen. Jigz.
Diyan ninyo hayagang makikita na parang legal na legal ang operasyon ng saklaan sa Tondo — 24/7, sa kanto ng kani-kanilang barangay hall.
Bakit hindi magalaw-galaw? Masyado bang maimpluwensiya at malakas sa ‘itaas’ ang maintainer nito?
Pakisagot nga po. Gen. Jigz Coronel?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap