INARESTO ng mga awtoridad ang isang construction worker makaraan ireklamo ng panggagahasa sa dalawa ni-yang hipag sa sa Sinait, Ilocos Sur.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Juemar Dulig, 30-anyos, inaresto nitong Sabado sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa.
Inihayag ng pulisya, dinakip si Dulig sa construction site sa nabanggit na lugar.
Taon 2017 nang ireklamo siya ng dalawang kapatid ng kaniyang misis dahil sa umano’y panggagahasa sa kanila.
Habang paliwanag ni Dulig, wala siyang alam sa ibinibintang sa kaniya.
“Wala akong ginawang masama sa kanila. Kaya nila ako pinagbibintangan kasi ako lang ang lalaki sa amin,” ani Dulig.
Si Dulig ang ikatlong most wanted person sa bayan ng Pinili.
Nahaharap siya sa kasong rape.